Chapter 21 : Another Ally?

80.1K 3.4K 2.2K
                                    

21.

Another Ally?

Sisa

"Nasa conference pa si lolo sa France, three weeks pa ang balik niya." Paliwanag ni Calix kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

Kainis naman 'tong Lolo ni Calix, wrong timing gumala. Sarap sapakin.

"Sigurado ka bang okay ka lang?" Tanong pa ni Calix kaya napangiwi na lamang ako. Nagsisikap na nga akong maging okay sa kabila ng lahat, heto't pinapaalala naman niya sakin ang nangyari. Bo to the set.

"O heto na order niyo." Bulalas ni Ponzi sabay lagay ng tray sa harap namin. Hanggang ngayon bitter parin siya kasi natalo siya sa jack en' poy namin kanina para sa kung sino ang oorder ng pagkain doon sa cafeteria. Ayaw naming may makarinig sa kahit na anong pag-uusapan namin kaya mas pumili naming tumambay dito sa field, sa ilalim ng isang malaking puno ng mangga.

Binuksan ni Calix ang isa sa mga folder na nakalatag sa harapan niya sabay kagat ng burger. He's reading this file of Gemma Valdez. The Crimson Ripper's first victim.

"May Tammy na 'yan. 'Wag ka ng umasa." Pasaring ni Ponzi saka bahagya akong siniko.

Siniko ko rin siya pabalik, "Oo nga eh, 'wag kang mag-alala, ikaw nalang lalandiin ko. Labyu." Biro ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin saka nagbukas ng isa sa mga folder ng ibang biktima. 

"'Wag mong itago ang kilig baka mahimatay ka." Pang-aasar ko pa sa kanya pero bago pa man siya mag bitch fit, tinantanan ko na siya at pumulot na lamang ng ilan pang mga files. It went on for a few hours. Nagbabasa at nagpapasahan kami ng files. 

"May napapansin ba kayong magkakapareho?" Kunot-noong sambit ni Ponzi na mukhang may napapansin na.

"They're all bad girls. Some are flunking, some are getting straight A's for leeching on poor nerdy peeps. May ilan rin ditong suki sa guidance lalo natong si Gemma Valdez." Napabuntong-hininga na lamang ako. I was right. The Crimson Ripper's fucked up. 

"Ibig sabihin, parang pinaparusahan ng Crimson Ripper ang mga babaeng 'to?" Tanong ni Calix na para bang nag-aalinlangan and I know why. He's being careful not to offed me kasi sangkot na rito si Julia.

Nagkatinginan kaming tatlo. They both look like they want to say something pero nagdadalawang-isip sila. Nakakainis. Obvious na ba ang pagka-fragile ko? Tanggap ko naman eh, hindi ideal ang pagkatao ni Julia. She smokes, she drinks, she doesnt obey any rules or anyone. 

"Mali kayo."

Nagulat kaming lahat nang may marinig kaming boses mula sa likuran namin kaya sabay-sabay namin itong nilingon.

Black slipknot band shirt. Ripped old jeans. Eyes who looked as if matagal ng hindi nakakatulog at buhok na di man lang sinuklay o nilagyan ng gel. Si Ecleo pala.

"Problema mo?" Sarkastiko kong tanong.

Sa puntong 'to, dali-daling nagtayuan sina Ponzi at Calix kaya napatayo nalang din ako.

"Nakikinig ka ba sa pinag-uusapan namin? Anong ibig mong sabihin?" Kunot-noong sambit ni Calix na para bang kinikilatis ng maigi si Ecleo gamit ang kanyang matalim na tingin.

The girl who cried murder tooWhere stories live. Discover now