Prologue

258K 6K 3K
  • Dedicated to Serialreaders
                                    

THIS STORY IS A SEQUEL TO THE GIRL WHO CRIED MURDER. CLICK ON THE EXTERNAL LINK TO READ THE FIRST PART.

Author's Note : Guys, I know sabi ko matatagalan pa 'to pero hindi na talaga ako mapakali. Atat na atat na akong simulan 'to. I really want to continue where everything left off and writing this along with my other stories really makes me happy kaya heto na, ipagpapatuloy ko na. haha. No worries tho, ongoing parin naman ang updates ng Demons walk among us at Vertigo 2. So yeah, 3 on-going stories, kaya ko itu. bwahaha.

Date started : January 2, 2015

Date ended : -- -- --

 

- - - - - - -

Prologue ::

Naririnig kong may bumubusina ng napakalakas kaya tumayo ako mula sa kama ko at dumungaw sa binta ng kwarto ko. Napakalamig, papasikat pa lang ang araw, wala ako masyadong maaninag dahil antok na antok pa ang mga mata ko kaya makailang-ulit ko itong kinurap-kurap.

"Yo bitch bitch bitch! Pick-up the phone!" Narinig ko ang ringtone ko kaya dali-dali kong kinuha ang cellphone mula sa bulsa ko at sinagot ito.

Why do I feel like this happened before? Déjà vu much?

"Bruh, its still early--" In a snap, I ran out of words to say nang maaninag ko ang isang kulay asul na vintage volkswagen na nakaparada sa labas. Nagulat ako nang makita ko ulit ito pero mas lalo akong nagulat nang makita ko ang babaeng may blonde na buhok na nakasandal pa sa bumper nito habang kumakaway sakin.

"Julia...." Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, panay lang ang pagngiti ko. Pakiramdam ko maiiyak ako sa sobrang tuwa ngayong nakikita ko na ulit siya.

"Good morning Sisa!" Narinig kong binati niya ako sa kabilang linya. Patawa-tawa pa siya. Ngayon ko lang napansin na may hawak pala siyang cellphone malapit sa tenga niya. Siya pala ang tumatawag. 

"J-julia..." Hindi ako halos makapagsalita sa sobrang saya.

"Sure ka bang hindi ka sasama sa Crimson Lake? Sayang ang ganda pa naman sana ng lake dun. Dapat talaga hindi nalang kita sinama sa party na 'yun." Nakabusangot niyang sambit. "Anyways, I'm just here to say goodbye. Dunno, just want to. Next year sama ka na sa akin okay? Roadtrip's not the same without you. Wala akong partner in crime."

And just like that, my lips started trembling with fear and disbelief. I finally realized why everything's such a dead ringer.

Nabitawan ko ang cellphone ko at dali-dali kong nilibot ang paningin sa kwartong kinaroroonan ko.

Wala na ako sa basement ng city library kung saan ako kasalukuyang nakatira. Nandito na ulit ako sa Manila. Nandito na ulit ako sa araw kung kailan ko huling nakita ang bestfriend ko.

"Julia stop! Julia 'wag kang aalis! Julia!" I screamed over and over again at the top of my lungs.

"Bye sisa!" I read the way her lips moved as she went inside her car and cranked up the engine.

"Julia!!!" Napasinghap ako at natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa kama ko habang naghahabol ng hininga. I'm sweating like shit and my heart seems like its about to explode. I looked around, and as expected nandito na ulit ako sa impyerno, este basement ng library na kasalukuyan kong tinitirhan.

Hindi na bago sakin na mapanaginipan si Julia. Its been like this ever since it happened. I miss her even more.

After drinking my meds, I grabbed my phone to call Ponzi, I don't give a damn kahit madaling araw pa. I need to get some news from that dude.

"Sisa naman eh! Ba't ka tumawag?" Antok na antok niyang sambit at naririnig ko pa siyang humihikab habang nagpapagulong-gulong sa kama niya.

"Did you find about something? Any news? Any updates? How about Calix? Hindi pa ba--"

"Sisa, it's been a year since Ada went missing. The Crimson Ripper has a signature. Lagi niyang tinatapon ang bangkay sa Crimson lake o kaya sa train station pero wala naman diba? Isang taong walang bangkay, ni ha, ni ho. Sisa matulog ka na nga. Magdasal kang mapanaginipan mo ako." Aniya pa at agad akong binabaan kaya sa galit ay naitapon ko na lamang ang cellphone ko papunta sa salamin na agad namang nabasag.

Humarap ako sa ngayong bitak-bitak ng salamin at tinitigan ang umaalon kong repleksyon. Hawak ang isang mahaba at matalim na bubog na pinulot ko mula sa sahig, unti-unti ko itong dinampi sa sarili kong balat at tiniis ang matinding sakit.

----

Humahangos kong binuksan ang pintong papasok sa Crimson Lake police station. Napatingin sa akin ang lahat ng mga pulis na mukhang gulat na gulat pa sila nang makita ang maraming sugat sa braso't mukha ko.

Tagaktak na ang dugo ko sa sahig, namimilipit man ako sa sobrang sakit at hapdi, huminga ako ng malalim bago tuluyang sumigaw.

"Tulungan niyo ako! Papatayin niya ako! Nagbalik na siya! Nagbalik na ang Crimson Ripper!"

I know what happened a year ago. Ponzi told me everything, even about Tammy's lies. Tammy lied a year ago and it led her to the answers, the answers may have took a toll on her and even made her go haywire but still, she got the answers to the mystery.

I know its bad to lie. I mean, come on who doesn't? even kids know its bad to lie. But in my situation, lying is the only thing that could lead me to the answers. Tammy got her answers and now its time for me to get mine. It worked for Tammy so maybe it could work for me. Maybe. I don't know i'm desperate.

I am downright desperate to find the answers. So desperate that I dont even care if I become the girl who cried murder too.

The girl who cried murder tooWhere stories live. Discover now