Chapter 14 : Her wake-up call

65.6K 3.2K 1K
                                    

14.

Her wake-up call

Third Person's POV


"Dustin na-contact mo na ba ang ate mo?" Tanong ng ina nilang labis na nag-aalala. Maghahatinggabi na at hindi parin nakakauwi ang dalaga.

"Hindi pa nga po ma eh." Nag-aalalang sambit ni Dustin habang kapwa sinusubukang tawagan si Kirk at Tammy.

"May sinabi ba sayo si Kirk na lalabas sila? Lintik, pag nalaman kong may ginagawang kalokohan yang kirk na yan, malilintikan siya satin." Galit na sambit naman ng ama nilang kanina pa hindi mapalagay.

"Ma, pa, hindi naman po ganun si Kuya Kirk. Mahal niya po si Ate, di po siya gagawa ng ikakapahamak nito." Giit ni Dustin saka nagtungo na lamang sa kanyang kwarto. Timing naman at tuluyang sinagot naman ni Kirk ang tawag niya.

"Dustin kasama ko si Tammy sandali lang--"

"Kuya ilang linggo na siyang ganito! Akala ko ba magiging okay na siya?!" Paghihimutok ni Dustin at dali-daling kinuha ang backpack mula sa kanyang kama.

"She's just having a hard time coping. Don't worry, iuuwi ko na siya diyan." Paniniguro ni Kirk pero napailing-iling lamang si Dustin at kinuha ang susi ng kotse niya.

"Hindi kuya... Kailangan ng matapos ang lahat ng 'to. Kailangan na nating gawin ang matagal na nating dapat ginawa." Giit ni Dustin at agad na binabaan si Kirk.

*****

"Stop it. That's enough. Ihahatid na kita sa inyo." Malamig na sambit ni Kirk saka hinila si Tammy palayo sa kumpulan ng mga taong nagsasayawan at nag-iinuman.

"What the! You're no fun!" Inis na sambit ni Tammy at napaupo na lamang sa isang bakanteng table saka muling nilaklak ang hawak na shot.

"You think this is fun? Tammy this isn't you. Stop this. Sumo-sobra ka na." Giit ni Kirk na mukhang nauubusan na ng pasensya kaya napahalakhak na lamang ang dalaga at napailing-iling.

"This isnt me?" Napangiti ito ng mapait, "Kirk all my life, wala akong ibang ginawa kundi maging sunud-sunuran sa lahat ng mga nakapaligid sakin para lang mahalin nila ako. Ni hindi ko na nga kilala ang sarili ko! Kayong lahat, pare-pareho lang naman kayo eh!" Sinubukang tumayong muli ng dalaga upang makipagsaya sa iba pang mga kaedad niya pero muli na namang hinigit ni Kirk ang braso niya.

"Your mom and dad's worried about you." Paalala nito kaya napasinghal lamang si Tammy at iwinakli ang kamay niya.

"Worried? Okay this really needs to stop. Boyfriend lang kita sa harapan ng mga magulang ko. You dont have the right to control me like others do. Pumayag lang akong magpanggap na girlfriend mo para may pagkakataon kang mapalapit kay Dustin without ruining our family. Get lost will you?" Dala ng labis na kalasingan ay hindi na napigilan pa ang galit na kanyang nararamdaman. Pasuray-suray man, pinilipit parin niyang magmukhang malakas parin at kontrol sa sarili.

"We all care for you Tammy. Why can't you see that?!" Bulalas ni Kirk.

Lumingon si Tammy kay Kirk at napangisi, "Uhm... Let me think... Maybe i'm just too blinded with anger. Maybe I just can't learn to forgive and forget. You know what I mean, right kirk?" Sarkastikong pagpapasaring ng dalaga.

The girl who cried murder tooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon