Chapter 5 : The Catalyst

83.2K 3.6K 3.2K
                                    

5.

The Catalyst

Sisa

Fuck fuck fuckydy fuck fuck.

“This can’t be happening. They can’t arrest me. I’m only seventeen.” Sa abot ng makakaya ko, sinikap kong manatiling nakangiti at kalmado sa harap ni Mrs. Grady, ang ever so pretty guidance councelor naming super bait at pinuntahan pa talaga ako dito sa ospital.

 Kinuha ni Mrs. Grady ang cellphone niya at may binasa mula dito, “Alarm and Scandal, damage to property, resisting arrest. Hija kahapon lang to, hindi pa kasali dito ang iba mo pang kalokohan mula nang tumira ka dito sa Crimson Lake.” Aniya pa kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

Hindi ko naman kasalanan kung masyadong nakakapakshet ang mga tao dito. Sila dapat ang makasuhan kasi other than mga panget sila, wala silang mga kwenta, pakshet sila at ine-encourage nilang lumabas ang murderously awesome spirit ko.

“So that’s it huh? I’m going to jail now?” Napasandal na lamang ako sa headboard ng kama at napabuntong-hininga. 

Come to think of it… May wifi kaya dun? Sana naman meron tas sana may poging kakosa o kaya jail guard. Hihi. May wifi na, nabubusog pa ang mata ko, libre rin ang board, lodging at pagkain so chill lang— “I’m ready to go to jail Mrs. Bruh.” Agad kong ipinagdikit ang dalawa kong pulso at inilapit ito sa mukha ni Mrs. Grady.

Ibinaba ni Mrs. Grady ang dalawa kong kamay at napabuntong-hininga. “Sisa I regret to inform you this pero ang kuya mo lang ang na-contact namin and he says your parents won’t come. Hindi ka nila tutulungan kasi gusto nilang magtanda ka sa parusang ipapataw sayo dito sa Crimson Lake.” Nanlulumo niyang sambit. Dahan-dahan pa siya sa pananalita, nag-iingat siyang baka masaktan ako pero sa totoo lang, gustong-gusto ko ng magtatalon sa tuwa.

Hindi darating sina Daddy so ibig sabihin I can still stay here in Crimson Lake and look for Julia. Pero teka… May bruhder ba ako? Only child lang naman ako ah? Oh my pakshets! Baka naman may Siso na?

“Sisa sinesante ka na sa trabaho mo sa library and you will be placed under house arrest at kailangan mo ng guardian.” Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ako sa mga mata na para bang isang inang labis na nagmamalasakit, “Sisa just let me help you. You’re not alone. Stop shutting everyone out.”

“H-house arrest?”

****

 Two-story house na napakaganda, kasingganda ko pa yes naman. Medyo dugyot at deads na ang mga halaman kasi isang taon na daw walang nakatira dito, pero oks lang. May powerful alarm and security system ang buong bahay and the best part, mayroong strong and mighty wifi ang kapitbahay and the very best part, walang password!

Ang ganda talaga ng lilipatan kong bahay! Ang sarap ma house arrest! Huehuehue. 

“The police will be here tomorrow with your ankle bracelet. So I suggest you enjoy your last day of freedom kasi by tomorrow wala kang ibang gagawin kundi magpunta ng school at umuwi agad dito." Paalala ni Mrs. Grady habang tinatanggal ag mga kulay puting telang nagtatakip sa mga gamit. "My husband and Neo will come here mamaya para ihatid ang mga gamit mo. Kilala mo naman siguro si Neo diba?"

The girl who cried murder tooWhere stories live. Discover now