Chapter 12 : The first of the bunch

74.5K 3.4K 2.2K
                                    

12.

The first of the bunch

Third Person's POV

"Seriously Zepp? You're making us visit that crazy girl?" Nakangiwing sambit ni Chelsea nang magsama silang magkaklase sa cafeteria.

 "Sisa's not that crazy. She needs every support she can get lalo na't wala ang family niya dito. Come on, kaklase rin natin siya noong highschool. Wala namang mawawala kung bibisitahin natin siya sa ospital diba?" Pangungumbinsi pa lalo ni Zepp.

"Zepp naman, diba hindi mo rin naman kaibigan si Sisa? Stop being too nice, for sure naman ayaw kang maging kaibigan ni Sisa. Let's face it, wala sa bokabularyo ni Sisa ang pakikipagkaibigan." Katwiran pa ni Bea, ang matalik na kaibigan ni Chelsea.

"And besides why are you pestering us ba?" Tumaas ang kilay ni Chelsea, "Zeppy you're a hypocrite, we all know that. 'Wag ka na ngang magpakasanta. Sarili mo lang ang niloloko mo niyan eh. Shoo ka na nga!" Dagdag pa nito at pareho nilang pinagtawanan si Zepp. 

Palihim na nakuyom ni Zepp ang kanyang kamao dahil sa mga narinig. Labis siyang nasaktan sa mga salitang binitawan ng mga kaklase kahit pa matagal na niya itong naririnig mula sa kanila. Tumalikod na lamang siya mula sa dalawang kaklase pero bago pa man nakalayo ay muli niyang narinig na nagsalita si Bea patungkol sa kanya.

"Akala mo kung sinong banal. For sure she only praises her dad's crotch." 

"Ohhh nice one sis! hahaha!"

Dahil sa mga narinig ay hindi na nakapagpigil si Zepp at nilingon niya ang dalawa.

"You really should thank me. Atleast binibigyan ko kayo ng opportunity na isalba ang mga kaluluwa niyo mula sa impyerno. I mean, come on, hindi man lang ba kayo nakokonsensya? Kayo ang rason kung bakit namatay si Penny. Technically, You bitches killed her!"

Dahil sa lakas ng boses ay napatingin ang lahat sa kanila. Agad namang nawala ang ngiti sa mukha nila Bea at Chelsea dahil sa mga binitawang salita ni Zepp.

Napabuntong-hininga si Zepp. Hindi rin nito inasahan ang mga salitang binitawan niya kaya dali-dali siyang tumalikod sa mga ito ngunit bago pa man siya nakalayo ay biglang hinigit ni Chelsea ng marahas ang buhok niya hanggang sa ang palitan ng mga salita ay nauwi sa gulo at sabunutan.

****

"The three of you, shake hands." Ma-otoridad na sambit ni Mr. Klaus Grady sa tatlong nagsabutan matapos niya itong ipatawag sa guidance office. 

"You don't have the authority. You're a math teacher not the guidance councelor. Now can I please leave?" Pagtataray pa ni Chelsea at inirapan si Zepp.

"My wife isn't here so you girls answer to me. You will respect me. You will do as I say." Naihalukipkip ng may-edad ng lalake ang kanyang mga braso. Sa unang tingin ay mukhang wala pa sa kwarenta anyos si Sir Klaus dahil sa malaki at brusko nitong pangangatawan. Dahil sa angking maamong mukha, isa siya sa mga gurong labis na hinahanggan ng mga babaeng estudyante.

The girl who cried murder tooWhere stories live. Discover now