Chapter 28 : Tracked down

76.3K 3.3K 2.7K
                                    

28.

Tracked down

Sisa

"Agapita Ponzilita!" Pangungulit ko sabay hila ng likurang bahagi ng polo niya. Kanina pa ako buntot ng buntot sa kanya para lang asarin siya and its working! Bwahaha! Pero siyempre di ko nilalakasan ang paghila sa kanya, alam ko kasing mahina pa siya at hindi pa siya nakakabawi ng lakas matapos ang nangyari. May cast at benda pa nga ang loko sa left balikat shoulder niya. Kawawang Ponzilita.

"Baby king kong~~~"

"Ponzilita, Ponzilicious, Ponzilla tapos ngayon Baby kingkong?! tangina Serenity, botchang-botcha na ang pangalan ko sayo!" Iritado niyang sambit saka marahas na napakamot sa ulo niya. 

"Eh kung tigilan mo rin kaya ang pagtawag sakin ng Serenity?" Pasaring ko kaya bigla siyang tumigil sa paglalakad kahit pa nasa gitna kami ng school hallway at humaharang sa mga schoolmates naming nagmamadaling makarating sa mga classroom nila.

Ngumisi si Ponzi at lumingon sakin, "Nah, I'll still call you Serenity."

Hinampas ko ang noo niya, "Edi magtiis ka sa pag-massacre ko sa pangalan mo."

"Aray!" Reklamo ni Ponzi habang hawak ang noo niya, "Akala ko ba aalagaan mo ako habang nagpapagaling ako?! Andami-dami mo ng atraso sakin!" Giit niya.

"Agapakyu bruh! Never kong sinabing aalagaan kita, tutulungan yon--"

"Pareho lang 'yon Serenity!" Giit niya saka hinawakan ang baba ko kaya agad kong hinampas ang kamay niya.

Wala ng patutunguhan tong asaran namin ni Ponzi kaya inagaw ko na lamang sa kanya ang backpack niya. Bobo rin 'tong isang 'to eh, sa balikat siya sa nabaril tapos heto't nagbaback-pack na.

"Teka 'wag, ako na--" Hindi ko na siya hinayaang makareklamo pa, sapilitan kong inagaw mula sa kanya ang backpack niya at sinuot ito sa harap ko. May backpack na ako sa likod ko, magmumukha akong timang pagdalawa ang nasa likod ko kaya mas mabuti pang nasa harap ang isa.

Nang makarating kami sa cafeteria agad kong napansin si Spermy na nakaupo sa pinakadulong bahagi ng cafeteria. Mag-isa lang siya, tahimik at napakalalim ng iniisip. Come to think of it, parang ang tamlay niya. Di ako sanay.

"Ano na namang tinitingin-tingin mo diyan?!" Bulyaw sakin ni Ponzi kaya muli ko siyang nilingon.

"Di na ako nilalandi ni Spermy my ever so cute stalker." Biro ko sabay hawak ng heartlalu ko.

"Tigil-tigilan mo nga yang kalandian mo, nakakadiri ka." Giit ni Ponzi saka bigla na lamang akong inakbayan at kinaladkad patungo sa pila ng cashier.

"But seriously though Ponzio Pilato, why is that spermy kid sad? first time to ah?"

Nawala ang ngisi ni Ponzi at umiling-iling lamang siya, "Just let him be. We all have to stop pretending once in a while."

"Wow that was deep." Biro ko sabay takip ng ilong ko. Nosebleed kuno. Ayayay.

"Deeper than the deep blue see." Biro ni Ponzi at para bang hinihintay niya akong matawa. 

"No bruh.. Just no..." Napangiwi na lamang ako at umiling-iling.

Nilibot ko ang paningin ko at namataan ko si Calix na nasa isang tabi rin at mukhang wala sa mood. Ni hindi niya kami pinapansin man lang. Yung totoo araw ba ngayon ng kabadtripan? Ba't sila ganito? Emo much.

The girl who cried murder tooWhere stories live. Discover now