Chapter 22 : Static

73.2K 3.3K 3.7K
                                    

22.

Static

Sisa

"Go Crimson Lake Stingrays!" Kasabay ng malakas na tilian ang pagdagundong ng mga tambol. Ang ingay ng paligid, kakapasok ko palang dito sa gym pero pakiramdam ko mahihimatay na ako dahil sa dami ng tao. Grabe, pakiramdam ko impyerno 'to, both figuratively and literally. Bummer.

Ba't ba kasi kailangang dito pa sa school namin i-held ang basketball championship? Di ba pwedeng sa kalabang school nalang? Ughh.

Mukhang hindi kakayanin ng pasensya ko ang ingay dito sa gym kaya umikot ako't lalabas nalang sana pero bigla na lamang may humila sa backpack ko, dahilan para mapaatras ako.

"Dito ka lang, siguradong andito siya." Giit ni Calix kaya napangiwi na lamang ko.

Its been weeks after Julia and Bea's death. Its been weeks na walang pinapatay o nawawala. Kung tama nga si Ecleo na nauulit ang lahat, malaki ang posibilidad na may mabibiktima ngayon dito sa basketball championship kasi may nabiktima ring babae noon na umattend ng evening game.

It's almost 8pm and the basketball game's about to begin. Kabanas, hindi naman ako mahilig manood ng basketball eh, mas trip ko pang manood ng wrestling. And besides it's not like may friend akong kasaling maglalaro---

"Calix sigurado ka bang hindi ka muna sasali ngayon? Kailangan ka ng team!" Tanong ni Ponzi na bigla na lamang sumulpot suot ang kulay pulang jersey niya. Hala, maglalaro pala ang bayawak, no wonder hindi ko siya masyadong nakikita these past few days. Come to think of it, I guess may reason na manood.

"Tammy's not here. Not worth the effort." Tipid na sambit ni Calix.

"keep your eyes open. He could be here. He could be watching us." Sabi naman ni Ecleo saka pasimpleng pinagmasdan ang mga tao sa paligid.

Kinilabutan ako dahil sa sinabi ni Ecleo kaya pasimple ko nalang ding nilibot ang paningin ko. Isa-isang nagpuntahan sina Calix at Ecleo sa magkabilang parte ng bleachers para magmanman. Pupunta narin sana ako sa area ng pu-pwestuhan ko nang bigla akong may mapansin.

"Go Frostwind Tigers! Lets go fight! Lets go win!" Sabay-sabay na nagsisigaw ng mga naka-berdeng mga audience sa saliw ng sarili nilang tambol at banda.

Holy mother of bruhsss.

Frostwind green tigers? As in mga students ng Frostwind University ang kalaban namin ngayon sa championship? And the worst part, andito ang mga Frosties?!

"You look like you've seen a ghost." Bigla akong siniko ni Ponzi. Katabi ko pa pala sa kinatatayuan ang loko.

"Is it okay if I commit mass murder? Kahit ngayon lang?" Tanong ko sa kanya kaya agad nawala ang ngisi sa mukha niya.

"Ang hirap talagang ispelengin ng utak mo." Aniya saka ginulo ang buhok ko. "Akyat ka na dun, bago ka maubusan ng upuan. Cheer mo nalang ako para may magawa ka namang tama." Dagdag pa niya saka hinawakan ang magkabila kong balikat saka tinulak ako paakyat sa hagdan.

The girl who cried murder tooWhere stories live. Discover now