Chapter 30 : Redemption

57.2K 3K 811
                                    

30.

Redemption

Third Person's POV

Tagaktak ang dugo sa putik at halos makita na ang buto sa brasong sugatan. Iyak ng iyak si Zepp habang may busal ang bibig at nakatali sa isang malaking puno.

"'Wag kang umiyak. Wala kang karapatang umiyak." Walang emosyong sambit ng gurong si Mr. Monterro habang nakaupo sa isang tabi at hawak-hawak ang isang mahaba't matalim na kutsilyo. 

Tila ba wala sa sarili dahil sa galit na lumalamon sa kanya, panay ang pagsaksak ng guro sa lupa habang nakatingin sa kawalan.

Nanginginig at hirap ng huminga dahil sa kaiiyak, napatingala na lamang si Zepp na tila ba nagdadasal ng napakataimtim. Maya't-maya siyang napapatingin sa braso niyang sugatan at wala siyang magawa kundi maiyak na lamang lalo.

"Sira na.. Sirang-sira na ang lahat. Kasalanan mo 'to.. Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to." Paulit-ulit na sambit ng guro kaya kunot-noo at umiiyak na napatingin si Zepp sa kanya. Walang kaide-ideya si Zepp sa sinasabi ng guro kaya lalo siyang napaiyak at sumigaw.

Biglang tumayo ang guro at lumapit kay Zepp kaya sa takot, agad na napayuko si Zepp at ipinikit ang kanyang mata habang impit na tumitili.

"Hindi mo ba talaga ako naalala?" Malamig na sambit ng guro pero hindi umimik si Zepp.

"Tingnan mo ang mukha ko!" Biglang umalingawngaw ang nangagalaiting boses ng guro at kasabay nito ang marahas niyang paghila sa mukha ng dalaga upang mapatingin sa kanya, "Ano Zeppelin?! Hindi mo ba talaga ako naalala?!"

Hindi kumibo si Zepp. Umiyak lamang ito ng umiyak habang labis na nangingnig.

Dahil sa labis na galit, marahas na hinila ng guro ang buhok ni Zepp saka tinanggal ang busal sa bibig nito.

"S-Sir 'wag po! 'Wag! Parang-awa mo na!" Pagmamakaawa ni Zepp sa pagitan ng kanyang mga hikbi. Sa sobrang takot, ni hindi nito halos maidilat ang kanyang mga mata.

"'Awa?! Puta!" Hindi na nakapagpigil ang guro, sinakal niya si Zepp saka isinandal ang ulo nito sa puno. Itinutok niya ang kutsilyo sa leeg nito gamit ang mga kamay na nanginginig rin. "Ikaw ang walang awa!" Sa labis na galit, tuluyang bumuhos ang luha mula sa mga mata ng guro.

Pinagmasdan ng guro ang takot na takot na mukha ng dalaga. Hindi na ito halos makapagsalita at hirap na hirap na itong huminga kaya binitawan na lamang niya ito at tumayo.

"P-please don't kill me! I dont want to die!" Pagmamakawa ni Zepp habang hinahabol ang kanyang hininga. Ubo ito ng ubo hanggang sa tuluyang masuka dahil sa labis na takot.

Huminga ng malalim ang guro kahit pa gustong-gusto na niyang patayin ang dalaga.

Kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa bulsa at itinutok ito sa dalaga.

"Confess and all of this will end." Malamig nitong sambit saka nagsimula sa pagkuha ng video kay Zepp bagay na labis na ikinagulat ng dalaga.

The girl who cried murder tooWhere stories live. Discover now