Chapter 10 : Ghosts from the past

65.8K 3.2K 1K
                                    

10.

Ghosts from the past

Third person's POV

"Calix!" Tawag ni Dustin kaya agad na natigil si Calix sa paglalaro ng basketball upang lingunin ito.

"Uy Brother-in-law!" Pabirong bati ni Calix at agad na nilapitan si Dustin habang pinupunasan ang pawis na tumatagaktak sa mukha niya.

"Pwede bang ikaw nalang ang magbigay ng susi ni Ponzi? May gagawin pa kasi ako." Pakiusap ni Dustin sa binata.

Alam ni Calix na ayaw sa kanya ni Dustin para kay Tammy kaya naman agad siyang pumayag sa pakiusap nito sa pag-asang isa itong hakbang para magbago ang pananaw ni Dustin sa kanya.

------

"Ford?" Tanong ni Kirk nang madaanan niya si Ford sa parking lot habang naghihintay kay Ponzi.

"Uy kirk!" Bati ni Ford sabay fist bump sa binata.

"Hinihintay mo ba sina Dustin at Ponzi?" Kunot-noong tanong ni Kirk at agad namang tumango si Ford. "Inindian ka na ng mga 'yon, nakita ko sila kanina na sumakay sa kotse ni Calix. Di ka ba nila tinext?" Dagdag pa nito kaya agad napangiwi si Ford sa inis.

"Bwisit naman oh! Gago talaga ang mga 'yon." Inis na sambit nito sabay kamot sa ulo niya.

"Dadaanan ako ngayon sa bahay nila Tammy. Sumabay ka nalang sakin." Suhestyon ni Kirk at agad namang pumayag si Ford at pumasok sa kotse niya.

"Humanda talaga ang dalawang 'yon sakin." Inis na sambit ni Ford habang kinakabit sa sarili niya ng seatbelt.

Sa isang iglap ay bigla na lamang nakaramdam si Ford ng kaunting kirot sa leeg niya. Para lang itong kagat ng langgam pero sa kabila nito ay lumingon parin siya sa backseat.

Nagulat na lamang siya nang mapagtanto ang dahilan ng kirot na naramdaman niya.

Kitang-kita ng dalawang mata niya si Dustin sa likuran niya, hawak nito ang isang syringe na 'yon palay nakaturok na sa leeg niya.

"F-ford Sorry." Nauutal na sambit ni Dustin.

------

Panay ang pagpupumiglas ni Ford habang nakatayo sa bloke ng yelo habang binabalanse ang sarili. Nakatali ang kanyang dalawang kamay habang may lubid namang nakapulupot se leeg niya. 

"Dustin hindi magandang biro 'to! Dustin pakawalan mo ako dito!" Paulit-ulit niyang sigaw.

Hindi mapakali si Dustin. Panay ang pag-agos ng luha niya habang nakatayo sa tapat ng kaibigan. Paulit-ulit niyang sinasapo ng marahas ang ulo niya.

"Sorry... Sorry." Paulit-ulit na sambit ni Dustin at nagtatakbo na lamang palabas ng music room ngunit sa paglabas niya ay laking gulat niya nang magbago ang kapaligiran.

The girl who cried murder tooWhere stories live. Discover now