Chapter 2 : Placebo

89.9K 3.8K 2.1K
                                    

2.

Placebo

Sisa

Bored classmates? check.

Professor na super kalbo pero may super malagong bigote? check.

Isang oh-so-awesome bitch na walang pake sa life? Yey that's me! check.

"So let's talk about a Placebo effect. Who among you here can give me an example of a placebo effect?" Tanong ni Mr. Monterro sabay sulat ng napakalaking salitang 'placebo effect' sa board. Naghintay siya ng ilang sandali pero wala talagang nagtataas ng kamay. Sa sobrang tahimik kulang na lang magparty ang mga kuliglig.

Nililibot ni sir ang paningin niya kaso lahat panay ang iwas ng tingin. Yung katabi ko ngang si Chelsea, nagpapanggap pang naghahanap ng sagot ng libro. For sure tactics lang yan para 'wag matawag.

Ayokong abutin ng siyam-siyam dito kaya tumayo na lamang ako.

"Whoa, we have a brave soul with a red hair here." Manghang sambit ni Sir Monterro kaya napalingon naman ang lahat sakin kasi dito ako sa pinakalikod umupo.

"Placebo effect? Okay, let's look at it this way." Ngumisi ako sabay kamot sa dulo ng kilay ko, "Imagine a serial murderer na naghahasik ng lagim sa isang tahimik na city na itago natin sa pangalang Crimson Lake. The policeman is so desperate kaya he made a deal with the devil and lied about it. Believing the Crimson Ripper's dead, nawala ang takot ng lahat pero wala naman silang kamalay-malay na may halimaw lang sa malapit nila." 

I can feel the weird stares again from my ever so precious classmates na gustong-gusto kong i kame-hame-wave but hey I don't give a flying fuck. 

"C-can you give me a clearer example?" Kunot-noong sambit ni Sir Monterro kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

"A mom kisses her kid's scratches so it wouldn't hurt anymore and to a kid, it works." Bored kong sambit. "Happy?" Sarcastically, umupo na lamang ulit ako.

Tumango si Sir at lumapit dahan-dahang naglakad palapit sakin. "Correct. And your name is?"

"Sisa." Tipid kong sagot.

"Where's your I.D?" Aniya sabay tingin sa katawan ko.

"I'm too cool for an I.D sir, just call me Sisa." Biro ko na lamang sabay flip ng buhok ko.

Bahagya siyang tumawa at naglakad pabalik sa harap naming lahat. Umiling-iling siya, “Mga kabataan talaga ngayon, kung ano-ano nalang ang hinihithit.”

Mahina man ang sinabi niya, narinig parin naming lahat at nagtawanan pa ang mga pathetic. Kakainis! Hindi ba pwedeng magkaroon ng isang araw na wala akong taong gustong patayin? Minsan talaga nagtataka ako kung bakit wala pa akong napapatay sa kanila.

Ngumisi si Sir Monterro at hinimas niya ang balbas niya, oh-noes this ain’t good. Sa one week kong pagiging studyante niya, may masamang ibig sabihin ang paghimas niya ng balbas niya. Ano kaya to? Group activity? Reporting? Quiz?

The girl who cried murder tooOn viuen les histories. Descobreix ara