Chapter 16 : Narcotics

71K 3.4K 3.9K
                                    

R a t e d spg... kuno. hahaha

16.

Narcotics

Third Person's POV

Mahigpit ang yakap sa isa't-isa't, malalim ang bawat palitan ng halik. Pumasok sina Tammy at Calix sa dating kwarto ni Tammy kung saan malayo silang dalawa sa ingay at gulo ng mga kabataang nagkakasayahan.

Tumigil si Calix sa paghalik kay Tammy at idinikit ang noo sa isa't-isa. "Na miss kita, alam mo ba yon?" Bulong ni Calix na may abot tengang ngiti, marahan niyang pinunasan ang luhang umagos sa pisngi ng dalaga.

"Sorry... Calix patawarin mo ako." Paulit-ulit na sambit ni Tammy pero umiling-iling lamang si Calix at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ni Tammy.

"You have nothing to be sorry about Tammy, ang importante nandito ka... magkasama na ulit tayo." Giit ni Calix at muling siniil ng halik si Tammy. Umiwas si Tammy at umiling-iling kaya nakunot ang noo ni Calix.

Naupo si Tammy sa kama at sinapo ang ulo niya. Iyak parin ito ng iyak kaya agad siyang nilapitan ni Calix at inalo.

"Calix nandito ako para magpaalam." Sabi ni Tammy sa pagitan ng kanyang mga hikbi, "I can't be with you anymore." Katwiran nito.

"Ano?! hindi..." umiling-iling si Calix na para bang nagmamakaawa. Muli niyang hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ng kasintahan. "Tammy kung tungkol to sa ginawa ni Dustin, wala kang kinalaman dun! Hindi mo kasalanan na nagkanun sila! Tammy wala kang kasalanan at siguradong ginawa mo naman ang lahat para mapigilan sila sa mga ginawa nila noon! Alam kong ginawa mo ang lahat ng makakaya mo para mailigtas sina Milky at Quinn." Giit ni Calix at muling niyakap ng mahigpit ang dalaga.

Isinandal ni Tammy ang kanyang mukha sa balikat ni Calix at dito umiyak siya ng umiyak.

"Tammy nangako ka sa akin noong hindi mo ako iiwan. Tammy please wag mo na akong iwan ulit..." Muling pakiusap ni Calix pero umiyak lamang ng umiyak si Tammy.

Makalipas ang ilang sandali ay kapwa sila kumalas sa yakap ng isa't-isa. 

"Calix..." Iyak ni Tammy at tinitigan si Calix sa mga mata.

"Ako parin naman ang laman ng puso mo diba?" Nanghihinang sambit ni Calix at hinaplos ang pisngi ng dalaga.

"It's alway going to be you..." Pangako ni Tammy kaya napangiti si Calix at muli itong siniil ng halik.

"Mahal na mahal kita..." Bulong ni Calix at unti-unting inihiga si Tammy sa kama.

*****

Nagising si tammy na nakayakap kay Calix, kapwa sila hubo't-hubad at natatakpan lamang ng makapal na kumot. Umiiyak man, huminga ng malalim si Tammy dahan-dahang bumitaw mula kay Calix. Maingat si Tammy sa paggalaw, iniiwasang magising ang binata.

Matapos makapagbihis ay dali-daling kumuha si Tammy ng papel at ballpen mula sa aparador. Naririto parin ang mga naiwan niyang gamit.

"Calix sorry..." Mahinang sambit ni Tammy habang pinagmamasdan ang kasintahang mahimbing sa pagkakatulog. "M-mahahanap mo rin ang taong para sa'yo at hindi 'yon ako." Dagdag pa nito saka hinalikan ang binata sa noo bago tuluyang umalis.

The girl who cried murder tooDonde viven las historias. Descúbrelo ahora