Chapter 29 : Terror Within

63K 3.1K 1.8K
                                    

29.

Terror within

Sisa

“Sisa sorry na. Hindi ko naman sinasadyang sumobra sa pagbigay sa’yo ng Adderall eh. Patawarin mo na ako.” Pangungulit ni Zepp sakin kaya panay lang ang pagwakli ko sa kamay niyang kanina pa kumakabit sa braso ko.

“Alam mo bang halos mabaliw ako? Buti di masyadong nagpalpitate ang heart ko! Paano kung na-overdose ako? Sapat ba ang sorry mong ma-ressurect ang pretty face ko?!” Katwiran ko sabay irap sa kanya.

Well truth be told, the reason why I hate medications is because of it’s side effects lalo na pagsumu-sobra. When I was in highschool, sumobra ako ng inom ng Adderall, hayun hilong talilong ako hanggang sa wala akong kamalay-malay na ginupitan ko na pala ang buhok ko. For God’s sake! I looked like a demonic version of Dora for a whole year! Since then I vowed never to take Adderall again sa takot na baka masobrahan na naman ako’t mawalan ng control sa sarili ko.

“Pag pinatawad mo ako, lilibre kita ng Pizza for the rest of the year!” Pakantang sambit ni Zepp habang abot-tenga ang ngiti.

“Bitch, my forgiveness ain’t that cheap….” Hininaan ko ang boses ko at bumulong sa kanya, “With bottomless drinks dapat tas libre mo din ako ng fishball sa kanto.”

“Sure thing! Pizza, bottomless drink, fishball at dadagdagan ko pa yan ng Mogu-mogu for the rest of the year!” Pagmamalaki ni Zepp kaya agad akong humarap sa kanya sabay ngisi at thumbs-up.

“Sir Monterro wala pa bang mas ibibilis to?! Dumudugo na ang tenga ko sa kaartehan ng dalawa sa likod!" Pasaring ni Ecleo na nasa front-seat ng sasakyan at katabi si Sir Monterro na siyang nagmamaneho.

"Dumudugo nga ang tenga mo, nag-eenjoy naman ang mata mo. Bruh, seeing my face is a privilege to you." Napatingin ako sa side-mirror kung saan nakaupo si Ecleo, kapwa nagtama ang tingin namin sa salamin kaya agad ko siyang kinindatan dahilan para mailang siya. Ha-ha-ha, I'm so osummm.

Napadungaw ako sa bintana nang mapansin kong palakas lalo ng palakas ang ulan at hangin sa paligid. Come to think of it, bakit ang dilim sa labas? Sira ba ang mga poste.

"Suki talaga ng masamang panahon ang Crimson Lake." Paghihimutok ni Sir Monterro na dahan-dahan lamang sa pagmamaneho dahil sa lakas ng ulan.

"Sir nag-shortcut po ba tayo?" Biglang tanong ni Zepp kaya kapwa napatingin sa amin si Sir Monterro sa pamamagitan ng rearview mirror niya.

"Ah oo, baha kasi dun sa orihinal na ruta, baka mamaya ma-stranded pa tayo." Paliwanag naman ni Sir Monterro kaya napabuntong-hininga na lamang ako saka napasandal sa likod ng upuan niya. Maliit lang ang kotse niya at mukhang luma na, hay, ang liit nga talaga ng sahod ng mga mararangal at nagpapakahirap na guro. Nakakainis lang eh, kung sino pa yung mga todo kayod, sila ang mga maliliit ang sahod samantalang yung mga pulpol na pulitikong magaling lang magmagaling, magpapogi at hypokrito pa, hayun nagpapayaman gamit ang perang nakaw nila sa bayan. Life nga naman, hypocrisy runs the world.

The girl who cried murder tooWhere stories live. Discover now