Chapter 26 : What is right

67.5K 3.1K 1.8K
                                    

26.

What is right

Tammy

"Tammy!"

Kalalabas ko pa lang ng gate ng school pero agad ko ng narinig ang boses ni Calix. Nilibot ko ang paningin ko at agad ko siyang nakitang nakasandal sa labas kotse niya. Abot-tenga ang ngiti at kumakaway pa sakin.

Sa pagkakataong 'to, gusto kong huminto ang mundo. Ang saya. Antagal ko ng hindi nararamdaman 'to. Yung sayang walang halong pag-aalala. Yung walang takot. Yung pakiramdam na kahit na anong mangyari okay lang kasi andito ang pamilya ko at ang taong mahal ko. Pwede bang ganito nalang palagi? Kaso alam kong hindi 'to tama lalong-lalo na't dahil sakin hanggang ngayon hindi parin nagkakaroon ng hustisya ang pagkamatay ng mga taong itinuring akong kaibigan. 

"Boyfriend mo?" Bigla akong siniko ng kaklase kong mukhang mas kinikilig pa kesa sakin.

"Oo, boyfriend ko." Napatingin ako sa direksyon ni Calix at kinawayan siya pabalik. Nakakamiss talagang ipagmalaki sa lahat na siya ang boyfriend ko. Ang sarap sa pakiramdam na parang malaya na ulit akong mahalin siya. Akala ko talaga noon, hindi niya maiintindihan. Mali ako. Dapat talaga nagtiwala ako sa kanya noong una pa lang.

"Bakit lahat ng mga estudyanteng nagsisilabasan, mukhang pinagsakluban ng langit at lupa pero ikaw, ang ganda parin. Matalino ka lang ba talaga o sadyang pinipilit mong maging maganda para sakin?" Nakangising sambit ni Calix nang salubungin niya ako ng mahigpit na yakap. Its been 3 days since we got back together pero heto't uso parin sa kanya ang bear hug.

"Calix ba't andito ka na naman?" Biro ko na lamang pabalik.

"Eh sa di sapat ang text at tawag lang eh." Aniya saka pinagbuksan ako ng pinto kaya pumasok na lamang ako sa loob ng kotse niya.

****

Like these past few days, Calix and I spent the rest of the day together. Movies, Hanging out, Playing at the arcade and just catching up. Andami na pala talagang nangyari sa Crimson Lake matapos kaming umalis. 

"You're still playing the good girl card?" Nakangising sambit ni Calix nang inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.

"Nope. I just dont want them to worry. 7pm kailangan nasa bahay na ako and that's that." I retorted then kissed him goodbye. Lalabas na sana ako ng kotse nang bigla na lamang niya akong hinila ulit at hinalikan. We were both giggling in between our kisses.

"Pwede bang hindi nalang kita iuwi sa inyo? Naalala mo 'yun?" Alam kong nagbibiro lang siya pero one mistake is enough kaya lumayo na ako mula sa kanya at nagpanggap na tinitingnan ang cellphone ko kahit wala namang nag-text. 

"Dapat talaga dinasalan ko yung santong 'yon." Narinig kong sambit ni Calix sa sarili kaya nakunot ang noo ko't napatingin sa kanya.

"Sinong santo?" Tanong ko.

"Santo ni Sisa." Aniya at ngumiti ng nakakaloko.

"Sisa? Ba't sa tuwing naririnig ko ang pangalang 'yan, naalala ko yung loka-lokang crush ni Dustin na may pulang buhok?" Napangiwi ako.

"Paki sabi sa kapatid mo maghanap na ng iba. Panalo na ang manok ko." Tumatawang sambit ni Calix kaya napakamot na lamang ako sa ulo ko.

The girl who cried murder tooDonde viven las historias. Descúbrelo ahora