Chapter 9 : Don't dare the devil

65.7K 3.3K 1.2K
                                    

9.

Don't dare the devil

Sisa

Sisa calm down. Inhale, exhale, never show fear. You're awesome. He's gruesome. Its okay. Its going to be okay. You're not a coward. You're a tough cookie. You can do this. Do not cave.

Hayan na, nararamdaman ko ng naglalakad siya palapit sakin. Nakatalikod lamang ako sa kanya habang nakatayo sa gitna ng hagdan, Oo aaminin ko na, nakakaramdam na ako ng takot. Nagsisimula ng manginig ang mga kamay ko at pakiramdam ko ay masusuka na ako sa kaba. Bwisit, minsan talaga gusto ko nang pektusan tong sarili ko dahil sa mga ginagawa kong desisyon.

Alam kong sa puntong 'to ay wala na akong ibang magagawa pa kundi panindigan ang pakshet kong desisyon kaya hinawakan ko na lamang ng mahigpit ang hawak kong kutsilyo at dahan-dahang lumingon sa kanya.

And then I found myself standing in front of the devil I have longed to meet. 

Nakapatay ang mga ilaw sa kinatatayuan niya at hindi siya hagip ng liwanag sa likuran ko. Hindi ko magawang makita ang mukha niya lalong-lalo na't natatakpan ang mukha niya ng itim na bonet. Kahit ang mga mata niya, hindi ko halos maaninag. Matangkad, nakasuot ng itim na jacket, pantalon at sneakers , kapansin-pansin rin ang ang makakapal at kulay itim na leather gloves na suot niya.

"Show me your face crimson ripper." As much as possible, I tried not to crack. I put on a brave face kahit sa kaloob-looban eh konting push ay masusuka na ako sa kaba.

Dahan-dahan siyang umiling-iling na tila ba nanunuya at nagulat na lamang ako nang bigla niyang itinaas ang hawak niyang mahabang stick na kulay itim. Itinapat niya ang dulo nito sa sikmura ko.

"Bruh what are you doing? Pake ko sa----"

Bigla niyang idinampi sa sikmura ko ang dulong bahagi ng stick. Aagawin ko sana ito pero hindi ko na inasahan pa ang sumunod na nangyari.

Sa isang iglap, bigla kong naramdaman ang napakasakit na daloy ng kuryenteng para bang dumaloy sa buong katawan ko't sumusunog sa balat ko. Napakasakit. Buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito katinding sakit.

Parang nanigas at nawalan ako ng kontrol sa sarili kong katawan, wala akong ibang nararamdaman kundi ang matinding kuryenteng napakasakit sa balat at katawan. Next thing I know, nakahandusay na ako sa dulo ng hagdan habang dahan-dahang humakbang papalapit sakin ang Crimson Ripper.

Third Person's POV

Hindi nakuntento ang salarin. Nang tuluyang malapitan ang walang kalaban-labang si Sisa ay inapaakan niya ang sikmura nito.

Nanlaki ang mga mata ni Sisa. Hilong-hilo ito. Hindi na ito makagalaw at panay parin ang panginginig ng mga kamay at labi niya. Ni hindi rin ito makapagsalita. Sa kabila ng matinding sakit na nararamdaman ay sinubukan niyang abutin ang kutsilyong nabitawan niya ngunit bigla na lamang itong sinipa ng salarin ng palayo.

The girl who cried murder tooWhere stories live. Discover now