Epilogue.

84.4K 3.6K 3.8K
                                    

PLEASE DO NOT IGNORE THE AUTHOR'S NOTE ON THE BOTTOM.


The Girl Who Cried Murder Too

Epilogue

Sisa


Ponzi and I kept on giggling in between our kisses.  


"'Wag ka ngang tumawa!" Aniya nang bahagyang maglayo ang labi namin mula sa isa't-isa. 

"Eh ikaw rin naman tumatawa eh! Oppa na kasi!" Giit ko saka pabirong kinurot ng bilbil niya. Bwisit na lalaking 'to, kakastress, mamaya bumuka patong sugat sa leeg ko.

"Bakit Oppa? Ano ba yung Oppa? Kung ano-ano nalang tinatawag mo sakin! Noon Ponzilita tapos Naging Agashito. Ano ba talaga?" Aniya habang nakangiwi kaya bahagya ko siyang itinulak palayo sakin.

"Oppa is a Korean endearment! Ang cute kasi eh!" Giit ko saka sumandal na lamang ng maayos sa sofa. Sinubukan kong manood ulit ng TV pero nakaharap parin sakin si Ponzi kaya nahaharangan ang panonood ko.

"Cute ako?" Aniya habang nakangisi sabay taas-baba ng kilay niya.

"Ang endearment! Ang pangit mo kaya!" Bulyaw ko sa kanya.

"Pangit?" Napasinghal siya, "Eh crush na crush mo nga ako eh!" Pagmamalaki pa niya sabay himas sa kilay niya.

"Hindi ah!" Giit ko.

"Sinungaling." Aniya na para bang siguradong-sigurado siya.

"Oh really?" Sarcastic kong sambit, "Ba't mo naman nasabi aber?"

Bigla niyang inilapit ulit ang mukha niya sakin. Gusto kong umiwas pero nakasandal na mismo ang ulo ko sa sofa. Wala ng atrasan.

And then next thing I know Ponzi and I were making out again.

What the hell. Ano na naman ba 'tong nangyayari sakin? Why the hell am I kissing him again? Why the hell are we making out again?! Ugh! He's not even my boyfriend! This is wrong. This needs to stop.


"Ewww! Mommy! Daddy! Kadiri sila Kuya!"

Biglang umalingawngaw ang sigaw ng isang bata kaya dali-dali kaming lumayo mula sa isa't-isa saka naupo ng maayos. Saved by the kid. Good job kiddo.


Lumingon ako at nakita ko ang isang chubby na batang lalake. Don't know but I guess he's 5 or 6 years old. He doesn't look like Ponzi because this kid is wayyyyyy cuter.


"Hulaan ko ang pangalan mo." Ngumiti ako sa bata at nag-beautiful eyes. Agad naman siyang lumapit sakin, nabighani ata sa osumness ko kaya agad ko siyang kinarga.

"Sige nga ate baliw." Hamon niya.

Napatingin ako sa nakangiwing si Ponzi "Kung yang panget mong kuya ay Agapito at ang super pretty na ate niyo ay Agatha. Then you kiddo, you must be Agago!" Panggagago ko as usual.

"Kikoy ang pangalan ko! Bad ka!" Bigla niyang sigaw saka nagtatakbo habang umiiyak dahilan para magtawanan kami ni Ponzi. Hay, ang galing ko talagang magpaiyak ng bata. 


Tumayo ako mula sa sofa at pinagmasdan ang mga picture frame na nakasabit sa dingding. Sobrang daming pictures, yung iba luma na, karamihan polaroids. Ang dami nilang family pictures samantalang kami ng pamilya ko, zero. Puro selfie at stolen pics lang. Siyempre kinukunan ko ng stolen pics ang parents ko, blackmail opportunity. Ps, wag akong tularan.

The girl who cried murder tooWhere stories live. Discover now