Chapter 38 : The Blitz

69.1K 3.3K 3.2K
                                    

38.

The Blitz

Sisa

“Sisa, wala ka ba talagang balak sabihin sakin kung ano na naman ‘yang naiisip mo?” Inis na sambit ni Ponzi sakin pero imbes na sagutin siya eh dali-dali akong nagtatakbo papasok sa bahay ng lolo ni Calix kung saan naroroon ang mga case files at archives na naiwan ni Sir Toralba patungkol sa Crimson Ripper.

My heart won’t stop pounding. Nanlalamig at nangingnig ang mga kamay ko. Para akong excited na kinikilabutan na ewan. Siguro kasi nararamdaman ko na ang katotohanan, I can feel it, malapit ko ng matanggal ang maskara ng Crimson Ripper.

Nang makarating kami ulit si basement ay hindi ko na inintindi pa ang mga alikabok, sapot ng gagamba at kung ano-anong insektong namamahay dito, dali-dali kong pinagbubukas ang mga kahong naglalaman ng lahat ng mga case files at imbestigasyon ni Chief Toralba tungkol sa Crimson Ripper.

Iisa lang ang bumbilyang gumagana, hindi man masyadong maliwanag, ayoko ng magreklamo pa.

“Serenity!” Biglang hinigit ni Ponzi ang braso ko dahilan para mapaharap ako sa kanya.

“Bakit?!” Tanong ko.

“Ako dapat ang nagtatanong sa’yo niyan!” Suminghal siya na para bang naiirita na, “Aish, sabihin mo nalang nga sakin kung ano ang matutulong ko.” Aniya kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

“Kunin ulit natin ang lahat ng mga ebidensya at crime scene informations ng mga biktima ng Crimson Ripper.” Giit ko.

“Ginawa na natin ‘yon kanina.” Kunot-noo niyang sambit.

“I know but there’s something I need to check again. The dots Ponzi, to figure this out I have to connect the dots but before I can connect them I have to find the right dots first!” Giit ko.

“Okay?” Anina na naguguluhan parin, “Magpapanggap nalang akong naiintindihan ko ang sinasabi mo.” Dagdag pa niya.

*****

Makalipas ang ilang sandaling paghahalungkat ng mga gamit, bigla akong tinawag ni Ponzi kaya agad akong lumapit sa kanya.

“Anong nakita mo?” Tanong ko nang mapansing may hawak siyang isang lumang-luma ng kahon. Halos magkulay grey na’to sa dami ng sapot at alikabok. May rat poops pa, ewwness.

“Ngayon ko lang ‘to nakita kasi nasa pinakailalim. Hindi nalagyan ni Chief Toralba ng iba pang mga detalye kung tungkol saan ang ebidensya sa loob pero nakalagay dito kung kelan niya ito nakita.” Paliwanag ni Ponzi na para bang naguguluhan.

“K-kelan?” Tanong ko.

“Pagkatapos mamatay ng ama ni Dustin.” Nanlulumong sambit ni Ponzi kaya napakagat na lamang ako sa kuko ko.

I snapped my fingers at the thought that crossed my mind, “That could be the evidence na nagpapatunay ng innocence ng papa nila! Remember what Calix said? Nagsisi daw si Chief Toralba kasi nalaman niyang hindi nga ang papa nila ang pumapatay but he had no choice kasi nagkaroon sila ng deal ng Crimson Ripper! Chief Toralba looked away and stopped investigating dahil sa deal nila pero before the deal, what if super lapit na pala ni Chief Toralba sa katotohanan? Ponzi anong laman ng kahon?” Tanong ko.

The girl who cried murder tooKde žijí příběhy. Začni objevovat