Chapter 8 : The papers and the ripper

70.4K 3.4K 1.3K
                                    

8.

The papers and the ripper

Sisa

Suot ang jacket at jogging pants, lumabas ako ng balkonahe at muling binatukan si Ponzi. Bwisit pwede bang maging modern crimson ripper ako? Si Ponzi lang talaga ang papatayin ko.

Nakakahiya langya! 

"Aray! Sorry na nga diba?!" Inis niyang sambit habang nilalapatan parin ng tela ang noo niya.

Inirapan ko na lamang siya saka inihagis sa kanya ang bandaid at first aid kit. Napakalakas pala ng simoy ng hangin dito sa balkonahe, palibhasa katabi lang nito ang isang malaking puno ng mangga. Malamang dito dumaan ang hayop na si Punse.

"Sisa yung paa mo." Sabi ni Ponzi kaya napatingin ako sa paa kong nagdurugo pala. Yayks, nakaapak nga pala ako ng bubog kanina, ngayon ko lang naalala.

Naupo ako sa katabing upuan ni Ponzi saka inagaw sa kanya ang first aid kit.

"'Yan, sa sobrang manhid, ultimo sugat sa paa di man lang naramdaman." Pasaring ni Ponzi kaya muli ko sana siyang babatukan pero nagulat ako kasi bigla niyang hinawakan ang pulso ko saka inagaw ang first aid kit mula sa kamay ko. Tiningnan niya ako na para bang naiinis siya. Aba! Siya pa ang may ganang mainis!

"Paa mo." Maotoridad niyang sambit sabay lahad ng kamay niya.

"Ano puputulin ko?" Sarkastiko kong sambit.

"Bunganga mo." Malamig niyang sambit saka siya na mismo ang humila sa paa ko saka ipinatong ito sa mesang nasa harap namin.

"Alam ko na sino ang bagong biktima ng Crimson Ripper." Malamig niyang sambit habang nilalagyan ng alcohol ang cotton.

"Talaga? Saan?" My heart skipped a beat. Masama na kung masama pero excited ako na nagpakaramdam ulit siya.

"'Tong kuko sa paa mo. Patay lahat eh. Malamang dito galing ang Crimson Ripper." Aniya at bigla na lamang ngumisi kaya hindi na ako nakapagpigil pa sa inis at muli ko siyang binatukan ng malakas yung with sound effects pa.

"Okay, I deserve that." Aniya at bigla na lamang humalakhak.

"Black nail polish yan shunga!" Giit ko.

"Oo na, oo na." Iritado niyang sambit at bigla na lamang nilapat ang cotton sa sugat ko.

"Bwisit ka!" Pakanta kong sigaw at napahawak ng mahigpit sa braso niya.

"At talagang minura mo pa ako." Pasaring niya.

Upang malimutan ang sakit ay huminga na lamang ako ng malalim saka dumaldal ng dumaldal.

"Anong nangyari sa lakad niyo?" Tanong ko pero umiling lamang siya at napabuntong-hininga.

"Ginawa namin ang sinabi mo, chineck namin ang lahat ng mga convict mula dito sa Crimson Lake, may isang lalaking convict na lalaya na sana this year pero namatay siya two years ago, other than that wala na tayong lead." Paliwanag ni Ponzi kaya napatingala na lamang ako sa maulap na kalangitan. Ni isang bituin, wala.

"Okay so my theory na baka nakulong ang Crimson Ripper kaya siya hindi pa nakakapatay ngayon ay invalid. Isip nga tayo, ano pa bang ibang dahilan para gustuhin ng Crimson Ripper na makipagdeal kay Chief Toralba? Bakit siya hindi pumatay sa loob ng napakaraming taon?" Tanong ko.

The girl who cried murder tooTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang