Chapter 23 : You still have a choice

70.3K 3.2K 1.6K
                                    

23.

You still have a choice

Sisa

Takot na takot ako. Sa sobrang takot ko, pakiramdam ko sasabog na tong puso ko. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. Panay lang ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko habang sinusundan namin ang stretcher na lulan ng duguang si Ponzi.

Nakita kong itinaas ni Ponzi ang mga kamay niyang nanginginig at duguan. Nagkatinginan kami, kitang-kita kong namimilipit na siya sa sakit at nakikita ko rin ang takot sa mga mata niya. Dali-dali kong hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

"Y-you'll be okay... Ponzilita, magiging okay ka! Tiwala lang kay holy bruh okay?!" Napasigaw na lamang ako sa pagitan ng mga hikbi ko.

Nakita kong kahit hinang-hina na, ngumiti siya at pinisil ang kamay ko.

"Hanggang dito nalang kayo. Hindi na kayo pwede sa loob." Bigla kaming hinarang ng mga nurse kaya hindi na kami nagmatigas pa at kusa na lamang kaming naghintay. Nag-aalangan man, binitawan ko na lamang ang kamay ni Ponzi.

Hanggang ngayon hindi ko parin maalala at maintindihan ang nangyari. Masyadong mabilis ang lahati. Sa isang iglap, bigla nalang umalingawngaw ang putok ng baril at nagkagulo ang lahat. Masyadong madami ang mga taong nagtatakbuhan patungo sa exit kanina kaya yumuko na lamang kami sa isang tabi. Pinasandal ako ni Ponzi sa pader hanggang sa napansin ko nalang na hinaharangan na ako ni Ponzi gamit ang nagdurugo niyang balikat.

"Sisa wag kang mag-alala narinig mo naman ang sinabi ng mga paramedics kanina, nadaplisan lang naman ng ligaw na bala si Ponzi." Giit ni Ecleo kaya tumango-tango na lamang ako saka dali-daling pinunasan ang luha ko. Bwisit, nangingibabaw na naman si Serenity.

Oo alam kong malayo sa ticket to heaven ang tama ni Ponzi pero hindi ko parin maalis sa sarili kong mag-alala. Nakokonsensya ako, kung hindi ako nagmukhang mahina kanina, siguro hindi niya ako poprotektahan at ako yung tinamaan imbes na siya. Bwisit, ba't ba kasi ako nahilo kanina? Dapat ako tong tinamaan eh. Dapat ako tong nagtitiis ng sakit at hindi ang tukmol na yun.

Biglang inabot sakin ni Calix ang isang panyo. Sa totoo lang gusto kong matawa, andumi niya kasi, palibhasa naapakan siya ng ilang mga nandun kanina sa gym.

"You need that more bruh." Giit ko sabay turo sa mga braso niyang puno ng gasgas. 

Nagulat ako nang bigla na lamang idinampi ni Calix ang panyo sa mukha ko saka ipinakita 'to sakin. Nagulat ako nang makita ang dugo. Shet na malagket, di ko man lang napansin na nagno-nosebleed na pala ako.

"Ecleo bakit nangyari yon? Akala ko ba babae lang ang binibiktima ng Crimson Ripper?" Tanong ni Calix na hindi na mapalagay at labis ng naguguluhan.

Tonight, the crimson ripper attacked again. This time it was different. Way different.

"Hindi ko rin alam." Napabuntong-hininga si Ecleo at sinapo ang ulo niya, "Andaming babaeng estudyante sa gym kanina, hindi ko rin maintindihan kung bakit sa lahat-lahat, ang matandang lalakeng principal ang pinagbabaril niya."

The girl who cried murder tooWhere stories live. Discover now