Chapter 33 : The worst mistake

73K 3.3K 2.6K
                                    

33. 

The worst mistake

Tammy

I woke up to the sound of someone crying beside me. As I opened my eyes, I saw Mom and Dad, standing right infront of me crying.

Anong klaseng torture na naman ba 'to? Oo alam ko, ang tanga-tanga ko, ang laking pagkakamali ng ginawa ko, kung pwede lang mabago ang lahat gagawin ko pero ba't kailangan ko pa silang makitang nagkakaganito.

"Mom.. Dad..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya naupo na lamang ako habang kinukusot ang magang-maga ko pang mga mata. I can't find Dustin anywhere, nasanay akong parati siyang nasa tabi ko para protektahan ako mula sa galit ng parents namin.

"Tammy anak..." Umiiyak na sambit ni Mommy. Humakbang siya papalapit sakin kaya agad akong napapikit, inihahanda ko na ang sarili ko sa sampal na matatanggap mula sa kanya pero laking gulat ko kasi imbes na sampal, isang napakahigpit at puno ng pagmamahal na yakap ang natanggap ko.

It was as if Mom was crying her eyes out as she hugged me. She kept on uttering the word 'sorry'. Naguguluhan ako kaya napatingin ako kay Daddy, pero gaya ni Mommy, iyak rin siya ng iyak. 

"Dad?"

Hindi kumibo si Daddy, Umupo rin siya sa kama ko saka hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

Mom stopped hugging me. Kapwa na nila hinawakan ni Daddy ang kamay ko. I don't know whats happening kaya kinakabahan ako. Did something happen? Where's Dustin? 

"Anak, mahal na mahal ka namin. Hindi mo kasalanan, wala kang kasalanan sa pagkamatay ni Dustin. Hindi ka namin sinisisi." Paulit-ulit na sambit ni Daddy habang tinitingnan ako sa mga mata.

Sa pagbanggit pa lang ng pagkamatay ni Dustin, rumagasa na ang luha ko. 

Pero ni minsan, hindi ko inakalang darating ang araw na maririnig ko mismo mula sa bibig nilang hindi ko kasalanan ang nangyari. Kapatawaran nga mula sa kanila, hindi ko na inaasahan ito pa kaya?

"Anak patawarin mo kami, hindi namin sinasadyang maipasa sayo lahat ang sama ng loob. Akala namin hindi mo na naalala. Akala namin---" Hindi na natapos pa ni Mommy ang sinasabi niya kakaiyak at muli na naman niya akong niyakap.

Sinubukan kong magsalita pero kahit ako, walang ibang lumalabas na salita mula sa bibig ko. Panay lang hikbi at paghangos. Gaya nila, iyak rin ako ng iyak. 

Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mukha ng kapatid ko, pero kasali rin doon ang alaala ng kamatayan niya.

Hinawakan ni Daddy ang magkabila kong pisngi at hinalikan ang noo ko, "We never thought you were in so much pain. We didn't know we caused all your pain. Anak patawarin mo kami, anak bigyan mo ulit kami ng pagkakataong maging mga magulang mo... Na maging magulang sa inyo ni Kirby."

All my life i've always lived with this heavy heart. I was always in pain. I was always trying to please my parents. But now, in a snap, it's as if bigla na lamang itong nawala. Napakagaan na ng pakiramdam ko. 

******

Nagtungo ako sa kwarto ni Dustin. Wala siya sa loob kaya nagtungo ako sa terrace at dito ko siya natagpuang nakasandal sa railings ng terrace. Mag-isa lang siyang nakatambay dito habang nagsa-soundtrip at parang napakalalim ng iniisip. Right now, I just want to hug him and cry in his arms. This time, the tears are for happiness.

The girl who cried murder tooWhere stories live. Discover now