Chapter 11 : Dearest family

67.3K 3.2K 1.8K
                                    

11. 

Dearest family

Third Person's POV

"She's stable. Maya-maya lang magigising na siya." Sabi ng doktor at agad na iniwan ang pamilya Consulacion sa kwarto kung saan nakaratay si Tammy.

"My baby.... Why would she do that?" Humahagulgol na sambit ng ina nito habang yakap ang asawa.

"Honey its okay. Its going to be okay. Tammy's going to be fine again. Tatawagin ko ulit ang psychiatrist niya, gumaling siya noon, gagaling siya ulit ngayon." Sabi pa nito.

Samantalang si Dustin ay nakatayo lamang malapit sa pinto. Duguan parin ang suot nitong damit pero hindi niya ito alintana. Panay lamang ang pag-iyak niya.

"Dustin." Napalingon si Dustin at Nakita niya si Kirk na humihingal. Kararating pa lamang nito.

Hinila ni Dustin si Kirk palabas ng kwarto at dito ay tuluyan ng napahagulgol ang nakababata.

"Kuya kasalanan natin 'to. Kuya kailangan nating gumawa ng paraan. Hindi dapat siya nasasaktan ng ganito."

-----

Makalipas ang ilang araw ay tuluyang nakalabas si Tammy ng ospital pero simula noon ay hindi na siya nagsalita o ngumiti pa. Panay lamang ang pagtingin niya sa kawalan at paminsan-minsan ay napapaluha lamang. Hindi narin ito kumakain kaya napilitan na lamang ang mga magulang niyang kabitan siya ng IV at dextrose.

"Dustin, ako na muna ang magbabantay sa kanya, pumasok ka muna sa klase mo." Giit ni Kirk pero umiling lamang si Dustin.

"I caused her this. I can't leave her." Giit naman ni Dustin at napasulyap kay Tammy na natutulog.

"Yung theraphy niya? Kamusta?" Tanong pa ni Kirk pero umiling lamang si Dustin.

"kami nga hindi niya kinakausap, yung psychiatrist pa kaya. Nag-aalala na kami sa kanya. Hindi na namin alam anong gagawin." Paliwanag pa ni Dustin at dahan-dahang hinaplos ang noo ng dalaga.

"Kirk andito ka pala." Kapwa napalingon sina Dustin at Kirk sa ama ni Tammy. "Dustin anak, dun muna tayo sa baba. Iwan muna natin sila." Dagdag pa nito kaya walang nagawa si Dustin kundi iwan si Kirk kasama ng natutulog na si Tammy.

****

Napabuntong-hininga si Kirk at naupo sa paanan ng kama ni Tammy. 

"Tumigil ka na. Wala kang mapapala sa ginagawa mo. Sa tingin mo matatapos ang lahat ng sakit na nararamdaman mo oras na mamatay ka? Tammy hindi. Dahil sa ginagawa mong 'yan, hinahadlangan mo lang ang sarili mong maging masaya ulit." Malamig na sambit ni Kirk saka napasinghal. "Tammy ang problema, pareho lang yan ng buhay, may katapusan. Kung may dapat sisihin sa lahat ng nararamdaman mong sakit, ako 'yun." Dagdag pa nito at muling pinagmasdan ang nakapikit na dalaga.

"Nagsinungaling si Quinn, pinagbintangan niyang ang tatay namin sa isang kasalanang hindi niya ginawa. Tammy yung maliit na barong-barong na pinagdalhan namin sayo noon? Tammy doon kami nakatira. Simple lang ang buhay namin pero hinusgahan nila kami. Tammy pinatay si Papa sa mismong harapan namin ni Dustin noong mga bata pa kami. Nagmakaawa kami sa kanilang lahat pero sinilaban nila ng buhay ang tatay ko. Tammy hindi mo kami masisisi." Paliwanag ng binata saka tumayo na lamang.

The girl who cried murder tooWhere stories live. Discover now