Chapter 27 : The consequences

59.8K 3.1K 2.5K
                                    

27.

The consequences

Third Person’s POV

“A-anong balak mo?”  Maluha-luhang sambit ni Dustin sa kapatid.

“Hindi ko na alam.” Nanlulumong sambit ni Tammy at napayakap na lamang sa kanyang tuhod habang nakatingin sa kawalan. Awang-awa si Dustin kaya nilapitan niya ito at tinabihan sa sahig.

“S-si Calix ba ang--” Nauutal na sambit ni Dustin kaya tumango na lamang si Tammy at ibinaon ang mukha sa tuhod niya.

“It’s not the end of the world yet.” Napabuntong-hininga si Dustin at inakbayan si Tammy hanggang sa kapwa na sila nakatingin sa kawalan.

“It is for me.” Mahinang sambit ng luhaang si Tammy at humilig na lamang sa balikat ng kapatid.

“You’re keeping the baby right?” Tanong ni Dustin pero hindi na kumibo si Tammy. Sa halip, pumikit lamang ito at nagpatuloy sa pag-iyak. “Whatever happens, keep the baby.”

****

“Anak, may problema ba ang ate mo?” Nahinto si Dustin sa pagsubo ng kanyang pagkain nang tanungin siya ng kanyang ama.

“Ah eh.. May sinabi po ba siya sa inyo?” Pagmamaang-maangan ni Dustin.

Napabuntong-hininga ang ama nito, “Mula noon hindi naman talaga nagbabahagi si Tammy sakin. Kayo ang mas malapit sa Isa’t-isa kaya nagbabakasakali akong may nasabi siya sayo. Matagal ko na talaga ‘tong napapansin… Takot ba siya sakin?” Bakas ang lungkot sa mga mata nito.

Alam ni Dustin kung ano ang sagot sa katanungan nito kaya naman iniyuko na lamang niya ng bahagya ang ulo niya, “Nasaan po si Ate?” Pag-iiba na lamang ni Dustin ng usapan.

“Kanina pa nagpunta sa school. Hindi na nga nag-agahan, magang-maga pa ang mata.” Nanlulumong sagot ng ama.

“Si Mommy po?” Tanong ni Dustin saka nilibot ang paningin sa kusina.

“Nasa kwarto ni Tammy, naglilinis na naman ata. Alam mo naman yung mommy mo.”

“Oh shit.” Nanlaki ang mga mata ni Dustin sa narinig at dali-dali siyang nagtatakbo patungo sa kwarto ni Tammy. Huli na nang makarating siya rito. Nangyari na ang kinatatakutan niya.

Naabutan niya ang ina nila sa kwarto ni Tammy. Nakatayo ito sa harap ng maliit na basurahan habang hawak ang pregnancy kit na ginamit ni Tammy. Gulat na gulat ito lalo na nang makita ang resulta.

“Mommy…” Dali-daling inagaw ni Dustin ang bagay mula sa ina.

“D-dustin kanino yan?” Maluha-luha at nauutal na sambit nito habang hawak ang bibig.

Napalunok si Dustin at hindi halos makatingin ng deretso sa ina.

“Dustin kanino yan?! Sino ang buntis?!” Tuluyan itong napasigaw kaya unti-unting kumurba ang isang pilit na ngiti sa mukha ni Dustin na halos mamutla na sa kaba at hindi na alam kung ano ang gagawin o sasabihin.

“M-maniniwala ba kayo kung sasabihin kong akin ‘to?” Nauutal na sambit ni Dustin.

The girl who cried murder tooWhere stories live. Discover now