Chapter 39 : Lethal

61K 3.2K 1.6K
                                    

39.

Lethal

Sisa

“Si Mrs. Grady? Seryoso ka ba?” Kahit na heto kami at nakasakay na sa Police car ni Lotus Pig, hindi parin makapaniwala si Ponzi sa sinasabi ko.

“Do I look like I’m kidding?!” Sarkastiko kong sambit. “Kahit ako nga hindi rin makapaniwala but this is the only deduction I have in my mind. “ Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa cellphone ko. Ang tanga-tanga ko, si Spermy pala ang kanina pa tumatawag sakin pero di ko ito sinagot kaya heto ako ngayon at ako na naman tumatawag sa kanya.

“Sisa sigurado ka ba talagang siya ang Crimson Ripper?” Lumingon sakin si Lotus Pig na para bang nagdadalawang-isip na paniwalaan ako. “Maaring makasira ka ng buhay kung isa lang tong pambibintang.”

Ibinaba ko ang cellphone ko dahil sa sinabi niya…

Nakakainis man, pero may punto siya.

Ano nga ba ang prowebang meron ako?

Baka sa ginagawa kong 'to, wala rin akong pinagkaiba sa mga pumatay sa tatay ni Dustin.

"Jerome..."

Napalingon ako kay Ponzi na para bang may napagtanto. Nakatulala lamang siya na para bang may napakalalim na iniisip.

"S-sinong Jerome?" Tanong ko.

"Si Jerome Grady ba ang ibig mong sabihin hijo? Yung nagpakamatay noon?" Sabat naman ni Lotus Pig saka kami nilingon mula sa rearview mirror.

Teka wait... I think i've heard of it before. Siya ba yung nagbaril sa ulo? Akala ko chismis lang 'yon.

"Kung si Mrs. Grady nga ang pumapatay, isa lang ang naiisip kong koneksyon sa kanila ni Tammy." Walang emosyong sambit ni Ponzi saka napatingin sakin, "Ang anak niyang si Jerome. Matalik silang magkaibigan ni Tammy umpisa pa lang pero biglang nagbago si Jerome hanggang sa magpakamatay siya."

"Wait! Kung anak ni Mrs. Grady si Jerome that means magkapatid sila ni Spermy. Dude! Ba't di ko man lang alam na may kapatid si Spermy na nagpakamatay?!" Giit ko.

"Kasi wala kang pakialam kay Spermy. Parati mo lang siyang pinagtutulakan palayo." Aniya bagay na parang sumampal sa konsensya ko.

Gusto kong makipagtalo kay Ponzi. Gusto kong igiit na itinuring kong kaibigan si Spermy pero hindi kasi aminado akong naging napakasama ko sa kanya. Ayokong umasa si Spermy kaya pilit ko siyang pinagtutulakan palayo pero hindi ko inakalang may pinagdadaanan rin pala siya sa likod ng bawat ngiti at kabulastugan niya.

Fuck. I am the worst person in the world. I'm not osumm, I'm horrible.

"Sige ganito, para makasigurado hahanapin namin si Mrs. Grady at iimbitahin namin siya sa estasyon ng pulis. Kayong dalawa, wag niyo munang ipagsabi sa iba ang natuklasan niyo." Maotoridad na sambit ni Lotus Pig kaya tumango-tango na lamang ako. "Ihahatid ko na kayo sa mga bahay--"

"Just drop me off at the hospital. Pupuntahan ko nalang si Dustin." Giit ko.

The girl who cried murder tooNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ