Chapter 34 : The Sacrifices We Make

55.3K 2.9K 1.1K
                                    

34.

The Sacrifices We Make

Third Person’s POV

10:15 PM

“’Di mo na mababawi ang naiwang sakit ng mga salitang binitawan mo, hindi ba’t ikaw narin ang nagpasya, nagtakda, at siyang unang umiwas, bakit nga ba ako’y yong pinaasa.” Kapwa nagkakantahan ang magkapatid habang sumasabay sa musika ng sasakyan.

Kahit di pa natatapos ang kanta, hindi maiwasan ni Tammy na mapatingin kay Dustin.

“Are you still into Sisa?” Tanong ni Tammy habang nakangisi dahilan para mapangiwi si Dustin.

“Yung adik na ‘yon? Psssh! Ate naman.” Giit ni Dustin.

“Ano nga? Yes or no?” Pangungulit ni Tammy sa kapatid na nagmamaneho.

“Almost?” Kunot-noong sambit ni Dustin.

“Eee! Almost no or Almost yes?” Tanong ulit ni Tammy.

“Hello Crimson Lake.” Pag-iiba ni Dustin ng usapan sabay turo sa karatulang nagsasaad na ‘Welcome to Crimson Lake’

“You can’t give up on someone lalo na kung hindi mo pa sinusubukan.” Pagkikibit-balikat na lamang ni Tammy saka nasandal sa kinauupuan at binigyan ng nakakalokong ngisi ang kapatid.

“And you can’t ignore the bro code Ate.” Giit naman ni Dustin saka napangiti. Nilibot niya ang paningin, wala siyang ibang makita kundi ang mga matatayog na puno sa gitna ng dilim. Wala silang mga sasakyang mga nakakasalubong at wala rin silang mga bahay na nadadaanan. Ibinaling na lamang ni Dustin ang tingin sa kalsadang binabagtas at mas binilisan pa ang pagpapatakbo ng sasakyan tutal sila-sila lang naman ang nasa daan.

“Hey,” Sinundot ni Tammy ang pisngi ni Dustin, “Don’t give up. You’ll eventually find the right person for you. And besides, malay mo kayo pala talaga ni loka-loka ang para sa isa’t-isa.”

Tumawa lamang si Dustin saka umiling-iling. Bahagya niyang nilingon kay Tammy habang nagmamaneho parin, “Pero love mo parin naman siguro ako kahit may Calix at baby tiyanak na diba?” Biro niya.

“Hmm. Let me think.” Napahawak si Tammy sa tiyan niya, “Ano baby? Ano isasagot natin?” Biro ni Tammy.

“Ate naman eh!” Natawa si Dustin at ibinalik na lamang ang tingin sa daang tinatahak ngunit laking gulat niya nang may mapansin siyang kakaiba. Isang mahaba at matatalim na bakal ang nakaharang sa daan—Mga road spikes.

“Shit!” Sinubukan ni Dustin na iwasan ang mga ito ngunit hindi na niya magawa pa dahil sa sobrang bilis ng kanyang pagmamaneho. Alam ni Dustin kung ano ang kahahantungan nito dahil ganito rin mismo ang ginawa nila noon sa sasakyan nila Milky at Quinn.

Takot man sa maari pang mangyari, dali-daling niyakap ni Dustin ng mahigpit si Tammy upang maprotektahan.

Sa isang iglap, umalingawngaw ang naglalakasang putok ng mga gulong dahilan para magpasirko-sirko ang kanilang sasakyan hanggang sa tuluyan itong tumaob.

******

Unti-unting idinilat ni Dustin ang kanyang mga mata matapos maulinigan ang nakabibinging busina ng sasakyan nilang nakataob na. Hindi na halos makahinga si Dustin, unti-unti na siyang tinatakasan ng kamalayan pero sa kabila nito ay pinipilit niyang hanapin si Tammy sa gitna ng usok.

“A-ate..” Tuluyang umagos ang dugo mula sa bibig ni Dustin. Nakaramdam siya ng hapdi sa sikmura niya at nang tingnan niya ito ay laking gulat niya nang makita ang isang parte ng yuping sasakyan na tumusok sa mismong sikmura niya.

“D-dustin?” Naramdaman ni Dustin na may humawak sa kamay niya. Hilong-hilo man, kinurap-kurap ni Dustin ang kanyang mga mata upang manatiling may kamalayan,

Nakita ni Dustin ang duguang si Tammy. Gaya niya ay halos wala narin itong malay at sugatan. Kapwa sila nakahandusay sa sasakyang ngayo’y nakataob na. Humawak si Dustin ng mahigpit sa kamay ni Tammy.

“’Wag siya… Please ako nalang… Ako nalang…” Nagulat si Dustin nang magsimulang magmakaawa si Tammy habang nakatingin sa likuran niya. Nararamdaman ni Dustin na may tao sa likuran niya dahil naririnig niya ang malalim nitong paghinga, gusto niyang lingunin upang makita kung sino ito ngunit di niya magawa dahil sadyang hinang-hina na siya.

“D-dustin… Mahal na mahal kita..” Hinang-hina at nauutal na sambit ni Tammy, dahilan para umiling-iling si Dustin.

May napansin si Dustin na gumalaw malapit sa paanan ni Tammy at nang tingnan niya ito ay laking gulat niya nang makita ang isang pares ng mga kamay na ngayo’y nakahawak na sa paanan ng kapatid.

“Ate?” Tuluyang napaiyak ang hinang-hinang si Dustin.

Unti-unting kumurba ang ngiti sa mukha ng luhaan at duguang si Tammy.

“Ate?!” Umalingawngaw ang palahaw ni Dustin nang makitang bigla na lamang may humila kay Tammy palabas ng sasakyan.

“Ate!” Humahagulgol na nagsimulang gumapang si Dustin, hindi nito alintana ang bubog na tumutusok at sumusugat sa balat sa balat niya. Kahit na patuloy ang pag-agos ng dugo mula sa bibig, paulit-ulit nitong tinatawag ang kapatid.

Gumapang ng gumapang si Dustin hanggang sa makalabas siya ng sasakyan.

Nakita niya si Tammy. Nakadapa sa gitna ng daan habang tinatali ng salarin ang kanyang mga kamay at paa.

“Please don’t hurt my brother! Please don’t hurt my brother!” Paulit-ulit na pagmamakaawa ni Tammy sa salaring nakaapak sa likod niya.

“Ate!” Sinusubukan ni Dustin na gumapang ngunit sa paglipas ng sandali ay unti-unti ng sumasara ang mga mata niya hanggang sa hirap na hirap na siyang huminga.

END OF CHAPTER 34.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

The girl who cried murder tooWhere stories live. Discover now