Chapter 19 : I found you

71.4K 3.3K 1.1K
                                    

Comments are highly appreciated :D

19.

I found you

Sisa

"Baliw! Baliw! Baliw!

"Nasaan si Crispin, Sisa? Hahaha!"

"Ba't ka ba andito? Dapat nasa mental kang baliw ka!"

"Sisa baliw! Sisa baliw!"

"Sabi ng mama ko dapat wala ka sa school nato, baka mamaya saktan mo pa kami Sisa!"

Iyak ako ng iyak habang nakaupo sa pinakalikurang bahagi ng classroom. Pinaliligiran ako ng lahat ng mga batang kasing-edad ko lamang. Lahat sila, kinukutya at pinagtatawanan ako. Pilit kong tinatakpan ang tenga ko pero naririnig ko parin ang bawat panghahamak nila sakin.

"Hindi ako baliw! Hindi Sisa ang pangalan ko! Mommy! Mommy!" It felt as if the whole world was against me. In a snap, my friends and playmates became my tormentors. In a snap, I had no one else but my parents.

"Narinig ko mismo mula kay Teacher! Baliw ka! Baliw!" Giit pa ni Paris, ang isa sa mga batang walang ibang ginawa kundi iparamdam sakin kung gaano ako naiiba sa kanila.

"Ano ba pakiramdam maging baliw Sisa?"

Biglang umalingawngaw ang bell na siyang hudyat na pwede na kaming lumabas at maglaro sa playground kaya sa isang iglap bigla akong naiwang mag-isa sa classroom. Umiiyak habang yakap ang mga tuhod. Kahit na anong gawin kung pigil, ayaw paring huminto ng mga luha ko kaya ibinaon ko na lamang ang mukha ko sa maliliit kong tuhod.

"Hindi ka ba napapagod umiyak?" 

Itinaas ko ang ulo ko at nagtaka ako nang makita ko ang isang batang babaeng ngayo'y nakaupo na sa tapat ko. Sa dami ng hairclips na nasa buhok niya, nagmukha tuloy siyang christmas tree. Hindi ko siya kaklase pero parati ko siyang nakakatapat sa flag ceremony kasi pareho kaming pinakamaliit sa klase.

Pagod na pagod na akong maging tampulan ng tukso kaya ibinaon ko na lamang ulit ang mukha sa tuhod ko.

"Totoo ba yung sinabi nilang baliw ka?" Aniya kaya muli kong itinass ang ulo ko at dali-daling umiling-iling.

"Hindi ako baliw! Hindi ako baliw!" Giit ko.

"'Wag kang magalit, nagtatanong lang naman ako eh." Tumatawa niyang sambit saka tinabihan ako. Sa unang pagkakataon nitong mga nakaraang buwan, ngayon lang ulit may naglakas loob na tumabi sakin. Kahit yung mga bata kasing itinuring kong kaibigan noon kasi, tinalikuran ako matapos kumalat ang tungkol 'don.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko na lamang sa kanya.

"Julia. Ang ganda ng pangalan ko diba?" Pagyayabang niya habang humahagikgik. Kahit hindi niya sabihin kilala ko sino siya. Suki siya sa guidance eh. Parating may nakakaaway na mga bata.

"Ako nga pala si--" Bigla niya akong siniko.

"Bulok! Alam ko sino ka. Pero alam mo, mas maganda kung tatawagin nalang kitang Sisa. Sabi ng papa ko, titigil lang ang mga batang yan sa pagtukso sayo oras na hindi mo na sila papansinin. Naisip ko lang, paano kaya kung panindigan mo ang pagiging Sisa mo? Simula ngayon ikaw na si Sisa, ang baliw na batang babaeng walang pake sa sasabihin ng iba. Ikaw si Sisa na matapang, na hindi umiiyak. Mas maganda kung Sisa mode ka parati para wag ka ng masaktan."

The girl who cried murder tooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon