Chapter 25 : Battle she lost

72.9K 3.2K 1.3K
                                    

25.

Battle she lost

Sisa

Naramdaman kong parang may nakatingin sakin kaya unti-unti kong idinilat ang mga mata ko kahit pa antok na antok pa ako. Malabo man, naaninag ko si Ponzi. Gising na siya at nakatingin na sakin habang nakangiti. Pero kahit nakangiti, kapansin-pansin ang panghihina niya, para bang nagdurusa parin siya sa labis na sakit.

Dali-dali kong iniangat ang ulo ko’t umupo ng maayos, “Sa wakas naman naisipan mong gumising.” Tatayo na sana ako upang tawagin ang mga magulang niyang nasa labas lang pero bigla na lamang niyang hinawakan ang kamay ko na para bang pinipigilan ako.

“Ponzi….”

“Please stay…” Mahina niyang sambit habang putlang-putla at wala paring kulay ang mukha. Minsan gustong-gusto kong itulak si Ponzilita sa kanal dahil sa kashungaan at kachakahan niya pero ngayon awang-awa na talaga ako sa kanya. Dapat ako tong nagkakaganito at hindi siya.

“Does it still hurt?” Naupo na lamang ulit ako sa tabi niya at hinawakan pabalik ang kamay niya.

Muli siyang ngumiti at dahan-dahang tumango. Hindi na siya nagsasalita. Huminga siya ng malalim at kita sa mukha niyang namimilipit siya sa sakit.

Masakit saking makita siyang nagkakaganito kahit pa minsan gustong-gusto ko siyang pasagasaan ng pison.

“Agapito Ponzilita, I’ll stay by your side. You can count on that.”

Muli siyang tumango. This time, kinaladkad ko na ang upuan ko para mas lalo akong mapalapit sa kanya. Isinandal ko ang balikat ko sa gilid ng kama niya saka dahan-dahang hinaplos ang noo niya.

Unti-unti niyang ipinikit ang mga mata niya habang may ngiti sa mukha niya. Mas mabuti ngang matulog na siya, mawawala lang kasi ang sakit oras na matutulog ka. Malas nga lang kung magkaroon siya ng masamang panaginip. Nga naman.

****

"Stop being so whiny! Hoy grab the opportunity! Once in a blue moon lang ako may care sa panget na tulad mo!" Bulyaw ko pero ngumiwi lamang siya at umiling-iling saka pinagsisipa ang kumot niya.

Pinanlisikan ko siya ng mga mata kaya wala siyang nagawa kundi hayaan na lamang akong subuan siya.

"Aww, you look like a baby gorilla with diarrhea. Baby king kong~~ Baby chonggo~~" Pang-aasar ko gamit ang baby-talking skills ko kaya mas lalo niya akong sinamaan ng tingin habang ngumunguya.

"I hate you." Aniya nang matapos siyang kumain.

"Aww, we all know you can't." Biro ko saka pabirong pinisil ang ilong niya.

Napabuntong-hininga si Ponzi at napasandal sa headboard ng kama niya, "Ikaw Sisa ah, hulog na hulog ka na ba talaga sakin?" Biro niya.

"Eh paano kung sabihin kong oo?" Biro ko pabalik. Tinaasan ko siya ng kilay saka ngumisi baga na tuluyang pumawi sa ngisi sa mukha niya. Napalunok pa nga siya. Hay, ako na talaga ang reyna ng pang-aasar. 

"Nandito ka lang pala!" Kapwa kami lumingon ni Ponzi sa pinto at nakita namin si Zepp sa naka-uniform pa at dala ang backpack niya.

The girl who cried murder tooWhere stories live. Discover now