Chapter 18 : Antibiotic

62.2K 3.2K 1.3K
                                    


17.

Antibiotic

Third Person's POV

Napabuntong-hininga si Zepp nang matapos sa kanyang ginagawa. Lalabas na sana siya mula sa cubicle nang bigla niyang mapansin ang sintas ng sapatos niyang nakasayad na sa tiles ng sahig.

"Forever? Kahit nga sintas ko naghihiwalay." Nakangiwing sambit ni Zepp sa sarili at isinara na lamang ang takip ng toilet saka ipinatong rito ang kanyang kaliwang paa.

Habang tinatali ang sintas, narinig ni Zepp ang mga yapak na nanggagaling sa labas. Nagtataka man, napangiti ang dalaga sa pag-aakalang ito ay si Sisa.

"Sisa sinamahan mo talaga ako? Eeeh! Praise the lord! Lilibre--" Natigil sa pagsasalita si Zepp at napatili na lamang nang biglang may kumalampag sa pintong kinaroroonan niya. 

"Jesus Christ! Sisa naman eh! Dont scare me like that!" Bulyaw pa ni Zepp na tuluyang napasandal sa dingding. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa kaba, napahawak na lamang siya dibdib niya. Imbes na mahimasmasan, lalo lamang siyang kinabahan nang makita ang pares ng itim na sapatos na nasa labas.

Umalingawngaw ang nakabibinging katahimikan. Tumigil sa pagkalampag ang kung sino mang nasa labas at si Zepp naman ay napakabigat na ng paghinga.

"S-sisa? Ikaw ba 'yan?" Nauutal na sambit ni Zepp at napalunok na lamang. 

"Hindi." Umalingawngaw ang napakalamig at napakalalim na boses ng salarin at kasabay nito ang muli at sunod-sunod niyang pagkalampag sa pinto.

"Jusko Jesus!" Tili ni Zepp sa sobrang takot. Sa puntong 'to ay sigurado na siyang hindi ito si Sisa at lalong hindi na siya ligtas pero sa kabila nito'y mistula siyang nanigas sa sobrang takot.

Kitang-kita ni Zepp ang dalawang mga kamay ng salarin, may suot itong black leather gloves, humawak ito sa tuktok ng pinto at pursigido itong buksan ng sapilitan ang pinto upang makalapit kay Zepp.

"No.." Mahinang sambit ng mangiyak-ngiyak ng si Zepp. Kinakabahan man at halos masiraan na ng bait sa sobrang takot, nakita niya ang nakabukas na bintana na nasa ulohan lamang niya. Maliit lamang ang bintana pero dahil maliit rin ang kanyang pangangatawan, hindi na nagdalawang-isip pa si Zepp at dali-dali siyang pumatong sa nakasarang toilet bowl saka lumusot sa bintana.

Kalahati pa lamang ng katawan ni Zepp ang nailalabas niya mula sa bintana pero nakikita na niya ang damuhang kanyang babagsakan. Nag-aalangan man kasi nasa likuran at liblib na bahagi siya ng skwelahan mapupunta, handa siyang gawin ang lahat makalayo lamang sa salarin.

Nang malapit ng mailabas ni Zepp ng tuluyan ang katawan mula sa bintana, muling napatili si Zepp nang mapagtantong nahawakan ng salarin ang kaliwang paa niya.

"Tulong! Oh my God! Tulong! Sisa! Tulong!" Tili ng tili si Zepp habang nagpupumiglas sa hawak ng salarin. Pilit niya itong pinagsisipa hanggang sa tuluyan siya nitong mabitawan, ngunit dahil sa nangyari ay tuluyang bumagsak si Zepp sa damuhan at ang masaklap, una ang mukha. 

*****

"Cold cappuccino, come to papa." Humahagikgik na sambit ni Spermy habang naglalagay ng barya sa coin slot ng vending machine. Ngunit sa paghihintay niya sa kanyang inumin ay nagtaka siya nang maulinigan ang sunod-sunod na tili ni Zepp.

"Ate Zeppy?" Kunot-noong sambit ni Spermy habang nililibot ang paningin sa walang katao-taong mga classroom na nakapaligid sa kanya.

Dahil wala namang nakikitang kakaiba, dinampot na lamang ni Spermy ang baso ng kape saka ininom ito.

"Takbo!!!" 

Nanlaki ang mga mata ni Spermy nang muling marinig ang boses ni Zepp, lumingon siya at mas lalo pang nagulat nang makita niya niya si Zepp na umiiyak at tumatakbo patungo sa direksyon niya. "Takbo spermy! Takbo!" Sigaw ito ng sigaw kaya naibuga na lamang ni Spermy ang iniinom niyang kape.

"Anong nangya---" Tuluyang nabitawan ni Spermy ang hawak na kape nang makita ang pigura ng isang lalakeng humahabol kay Zepp. Dahil sa suot nitong makapal na coat at bonet na nagtatakip sa buong mukha, hindi ito mamukhaan ng dalawa.

Sa isang iglap, umalingawngaw ang naglalakasang tilian ni Zepp at Spermy na ngayo'y kapwa na hinahabol ng salarin. Paulit-ulit silang humihingi ng tulong ngunit dahil nasa pinakalikuran silang bahagi ng skwelahan at humahalo lamang ang hiyawan nila sa hiyawan ng mga nagsasaya sa battle of the bands, walang nakakapansin sa mga palahaw nila.

Takbo ng takbo ang dalawa hanggang sa umabot sila sa isang bakurang gawa sa rehas. Ito na sana ang daan nila pabalik sa gym kung saan naroroon ang mga kaeskwela pero labis silang nagimbal nang makitang nakalock ang daanang ito.

"Oh my God! Paano nato?!" Humahagulgol na sambit ni Zepp sa mas nakababatang kaibigan.

"Tulong! Tulong!" Nagsisigaw na lamang si Spermy habang kinakampag ang mga rehas.

Lumingon si Spermy at lalo siyang natakot nang makitang papunta na sa mismong direksyon nila ang salarin.

"Zepp akyat!" Giit ni Spermy at dali-daling pinasan ang dalaga para may mahawakang bakal.

Natataranta man, tumango-tango si Zepp at dali-daling kumapit at iniangat ang sarili niya sa bakod, aabutin na sana niya ang kamay ni Spermy ngunit huli na. Tuluyan na silang naabutan ng salarin at nabatbat na nito sa pader ang walang kalaban-labang si Spermy.

"Neo!!!" Tili ni Zepp nang makitang halos walang malay itong bumagsak sa sahig. Lalo siyang napatili nang muli na namang mahawakan ng salarin ang paa niya at pilit siyang hinihila pababa at papunta sa kanya.

"No! Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!" Pagwawala ni Zepp ngunit sa puntong to'y wala ng balak ang salarin na bitawan pa siya. 

"Bitawan mo siya!" Biglang sigaw ni Spermy at kahit hinang-hina na ay tinalunan at sinakyan niya sa likuran ang salarin. Di hamak na mas maliit si Spermy sa salarin pero walang pagdadalawang-isip niyang sinubukang sakalin ang salarin sa pamamagitan ng pag-pulupot ng braso niya sa leeg nito.

"Zepp takbo! Tumakbo ka na!" Nagsisigaw si Spermy habang pilit na inilalayo ang salarin sa dalaga.

"Neo!" Napatiling muli ang humahagulgol na si Zepp. Napaatras ang salarin dahil sa ginawa ni Spermy at tuluyang nabitawan ang paa ni Zepp. 

"Takbo! Takbo!" Sigaw pa ni Spermy.

Dahil sa matinding takot ay nawalan ng balanse sa sarili si Zepp at tuluyang nalaglag sa kabilang dulo ng bakod. Labis mang nasaktan dahil sa pagbagsak, hindi niya naalis ang tingin kay Spermy na muling binatbat ng salarin sa pader.

Dahil ayaw bumitaw at bumaba ni Spermy mula sa likod ng salarin, buong lakas na umaatras ang salarin at ibinabangga sa kongkretong pader ang binatang nasa likuran niya.

Sa sobrang lakas ng pagkakabangga at pagkakabatbat, nagsimulang umagos ang dugo mula sa ulo ni Spermy. Hinang-hina man at panay sa pagsigaw dahil sa matinding sakit at hilo, ayaw nitong bitawan ang salarin.

"Tama na! Tama na!" Pagmamakaawa ni Zepp na walang magawa kundi pagmasdan ang paghihirap ng kaibigan. Gusto niya itong tulungan pero alam niyang hindi niya ito magagawa ng mag-isa kaya gumapang siya patayo at dali-daling nagtatakbo patungo sa kinaroroonan ng iba.

Nang makitang nakakalayo na si Zepp, unti-unting napabitaw ang hinang-hina ng si Spermy at bumagsak sa sahig habang nanginginig sa labis na sakit.

Umalingawngaw ang sigaw ng salarin na galit na galit habang pinapanood ang pagtakbo ni Zepp palayo. Gustohin man niyang habulin ito ay hindi na niya magawa pa dahil alam niyang sa puntong to'y makakahingi na ng tulong sa mga tao ang dalaga.

"S-sana nakita ni Sisa ang ginawa ko." Tila ba wala sa sariling sambit ni Spermy habang namimilipit sa labis na sakit.

Lumingon ang salarin kay Spemy. Nakakuyom ang kamaong nanginginig dahil sa labis na galit.

END OF CHAPTER 18.

THANKS FOR READING! 

VOTE AND COMMENT <3

The girl who cried murder tooWhere stories live. Discover now