Chapter 4 : Goodbye to what we used to be

69.9K 3.5K 770
                                    

4.

Goodbye to what we used to be

"Tammy your boyfriend's here!"

Agad napabalikwas si Tammy mula sa pagkakahiga nang marinig ang sigaw ng kanyang ina. Abot-tenga ang ngiti at sabik na sabik siyang dumungaw sa bintana.

Nakita ni Tammy ang isang kotseng nakaparada sa labas ng bahay nila at ilang sandali pa ay kapwa lumabas sina Dustin at Kirk mula dito na nagkakatuwaan pa sa isa't-isa.

Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Tammy nang magbalik sa alaala niya ang reyalidad na matagal na niyang pinagdurusahan. Wala na nga pala ang buhay na kinagisnan niya.

Walang emosyong naupo ang dalaga habang nakatingin sa blangkong pader ng kanyang kwarto. Umikli na ang dati niyang buhok, wala na ang dating sigla sa mukha niya at kapansin-pansin ang matinding pagbagsak ng pangangatawan niya. Tunay ngang napakalaki na ng pagbabago ng dalaga.

"Ate ate ate ate!" Narinig ni Tammy ang masiglang boses ni Dustin habang tumatakbo patungo sa kwarto niya pero imbes na salubungin ito'y binuksan na lamang ni Tammy ang TV sa kwarto niya at nanatiling nakatitig dito.

"Hi Ate!" Bati ni Dustin habang nakabungisngis nang buksan ang pinto.

Hindi kumibo si Tammy, saglit niya lamang itong nilingon saka bumalik ulit sa pagtitig sa telebisyon. 

"Ate tingnan mo oh? May pasalubong kami ni Kuya Kirk sa'yo!" Pagmamalaki ni Dustin sabay wagayway ng isang malaking box ng donuts at chocolate drink na paborito ng dalaga.

"Dustin please leave me alone. I'm busy." Walang emosyong sambit ni Tammy at lalo pang mas nilakasan ang volume ng tv. Ni hindi man lang niya ito nilingon.

Nalulungkot man, pinilit parin ni Dustin ang sariling ngumiti. 

"Lagi ka namang busy eh pagdating sa'min ni Kuya eh." Pabirong sambit ni Dustin saka nahiga sa hita ni Tammy.

Ilang sandali silang nanatiling ganun. Si Tammy nakaupo sa kanyang kama habang nakatitig sa kanyang TV, samantalang si Dustin ay nakahiga lamang sa hita niya't naghihintay na muli siyang kausapin ng kapatid.

"Dustin get out." Malamig na sambit ni Tammy.

"Tara lumabas tayo. Isang taon ka ng nagmumukmok dito sa kwarto. Lumalabas ka lang kapag pupunta ka ng school. Alam mo, nag-aalala na kami sayo. Miss na miss na namin ang dating ikaw, kelan 'yon babalik?" Bakas ang lungkot sa boses ni Dustin kahit pa nakangiti parin ito habang nakatitig sa telebisyon.

Imbes na kumibo, napabuntong-hininga lamang si Tammy at tumayo patungo sa kanyang pinto. Binuksan niya ito saka tiningnan si Dustin gamit ang malamig na tingin.

"I'm busy so you have to leave now."

Napabuntong-hininga na lamang din si Dustin habang pinapanatili ang ngiti sa kanyang labi sa kabila ng lungkot, wala siyang magawa kundi mapatayo na lamang ngunit bago tuluyang lumabas ay napatingin siya kay Tammy.

"Ate kailan kaya babalik yung dati? Kailan mo kaya ako ngingitian ulit? Kailan kaya mawawala ang lamig sa mga mata mo sa tuwing lumalapit kami ni Kuya sa'yo?" Nanlulumong sambit ni Dustin kaya umiwas lamang si Tammy at napatingin sa kawalan habang lalong mas humihigpit ang hawak nito sa doorknob.

"I chose you. I chose our family. I gave up everything just for you. I gave up Calix, I gave up my friends, I gave up my life. That should be enough." Walang emosyong sambit ni Tammy kaya tuluyang nawala ang ngiti sa mukha ni Dustin.

"So tungkol parin pala to kay Calix?!" Sarkastikong sambit ni Dustin na tila ba naubusan na ng pasensya. "Ate buhay si Calix! Hindi namin siya pinatay! Ate hindi naman ginusto ni Kuya na idamay si Calix eh! Nakialam siya---"

"Do you really think this is just about Calix?!" Sarkastikong sambit ni Tammy habang nakangiwi. Hindi na nga malamig ang boses niya, bakas naman ang galit dito.

"Dustin you played with me! You killed my friends! You even betrayed your own! Akala ko kaya kong palampasin at kalimutan 'yon pero Dustin hindi! Sorry hindi ko kaya!" Bulalas ni Tammy hanggang sa nagsimula na namang umagos ang luha mula sa mga mata niya.

"Akala mo ikaw lang ang inuusig ng konsensya? Akala mo ikaw lang ang hindi makatulog at binabangungot?! Ate araw-araw kong pinagdurusahan ang mga ginawa ko! Sangkot ako sa pagkamatay ng sarili kong kaibigan, sa tingin mo madali rin yon sakin?! Ate alam mong itinuring ko ring totoong kaibigan si Ford!" Hindi na nakapagpigil pa si Dustin at maging siya'y naluha narin habang tinataasan ng boses ang kapatid. Hindi maikakailang lahat sila ay apektado at nasira dahil sa mga nangyari sa Crimson Lake.

"Tama na." Kapwa napalingon sina Tammy at Dustin sa nakabukas na pinto. Naroon pala si Kirk na walang emosyong nakatingin sa kanilang dalawa.

Pinunasan na lamang ni Dustin ang luha sa kanyang pisngi saka nilapitan si Tammy at niyakap ng mahigpit. 

"Ako parin 'to ate, sana yan nalang ang isipin mo." Bulong nito. 

Nang tuluyang lumabas sina Dustin at Kirk, dali-daling sinara ni Tammy at ni-lock ang kanyang pinto. Labis ang panlalambot ng kanyang paa kaya napaupo na lamang siya sa sahig at niyakap ang sariling mga tuhod.

"Tulong! Tammy tulungan mo ako!"

Muli na namang bumalik sa alaala at isipan ni Tammy ang pagmamakaawa ni Quinn kaya lalo siyang napahagulgol at tinakpan na lamang ng maigi ang kanyang mga tenga.

"Quinn sorry! Sorry!" Paulit-ulit niyang sambit.

END OF CHAPTER 4.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

The girl who cried murder tooWhere stories live. Discover now