Chapter 36 : Never cry again

61.1K 3.3K 3.3K
                                    

36.

Never cry again

Sisa

"Oo na! Ako na ang gumawa ng riddles noon! Oo na! Hanggang ngayon bitter parin ako dahil kay Dustin pero tangina much! I wouldn't hurt Tammy! Malay ko ba kung nirevise ng lecheng Crimson Ripper ang masterpiece ko?!” Hindi ko na napigilan pang magwala. 'To kasing si Kirk eh, pinagbibintangan pa akong dumukot kay Tammy.

Hinigit ni Ponzi ang braso ko na para bang pinapakalma ako kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

"Sisa you made riddles like this! Solve this one!" Giit ni Calix kaya nasapo ko na lamang ang noo ko.

"Oo na! Here's what I think," Huminga ako ng malalim, "The Road spikes, The car crash, The riddle, The way the words were arrange—They all point out to one thing! The Ripper is mimicking your old ways! Look, the old riddle was about Dustin being buried alive so odds are, right now, Tammy is being buried alive!” Paliwanag ko.

“S-saan nilibing si Dustin noon?” Nauutal at maluha-luhang sambit ni Calix.

Bigla na lamang nagsimulang tumakbo si Kirk kaya pati kami, nagtakbuhan narin.

Magha-hatinggabi na nang makarating kami sa skwelahan. Hindi kami nabigo kasi nang makarating kami sa botanical area, may napansin kaming kakaiba sa lupa, hindi ito super flat at mukhang nakaangat ang surface nito na para bang may naghukay dito at tinakpan lang ng lupa.

“Tammy hang-on!” Natatarantang sambit ni Calix saka dali-daling nagsimulang maghukay. 

Siyempre tumulong rin kami lalong-lalo na si Kirk na mukhang balisang-balisa na.

******

TAMMY

Napakadilim.  Napakasikip. Nakakatakot. Sinubukan kong tatagan ang loob ko pero hindi ko na kaya, takot na takot ako. Gusto kong huminga pero nahihirapan na ako. Tagaktak na rin ang pawis ko sa sobrang init.

Paulit-ulit kong sinusubukang kalampagin ang takip pero masyadong mabigat. Nararamdaman ko na ang unti-unting pagkaubos ng hangin sa loob ng ataul. Hindi na ako halos makahinga. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Gusto kong tumayo. Gustong-gusto kong kumawala mula sa ataul na’to para huminga pero hindi ko na alam paano.

“Tulong! Tulong! Palabasin niyo ako dito! Hindi ako makahinga!” Sigaw ako ng sigaw kahit pa alam kong imposible ng may makarinig sakin. Maya’t-maya akong napapahagulgol at napapasinghap. Gusto kong huminga pero hindi ako makahinga. Sobrang sikip, hindi ako makahinga.

Ang init. Sobrang init. Para akong sinusunog sa impyerno. Ito na ba ang kabayaran sa lahat ng kasalanan ko?

Napatili ako’t lalong napahagulgol. Ayoko pang mamatay. Paano ang pamilya ko? Paano si Calix? Paano ang baby ko?

“Baby sorry…  Patawarin mo si Mommy, kasalanan tong lahat ni Mommy.” Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko na alam anong gagawin ko. Pagod na pagod na ako. Gustong-gusto kong huminga pero hindi ko na halos magawa. Kahit nakatali ang mga kamay ko sa isa’t-isa, naigagalaw ko pa ang mga daliri ko kaya ginamit ko ito para kunin ang ultrasound mula sa bulsa ko.

The girl who cried murder tooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon