CHAPTER THREE

759 55 16
                                    

June 08, 2011Wednesday, 4:01 PM

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

June 08, 2011
Wednesday, 4:01 PM

"Regine, gutom na nga ako. Hindi ba p'wedeng mauna na lang ako? O umuwi na lang tayo?" reklamo ko kay Regine.

Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya sa'kin. Napatawa silang dalawa ni Unggoy nang marinig akong magreklamo.

"Hindi pa binubuksan ang gate. Ilang araw ka pa lang rito, alam mo na ba ang daan pauwi? Baka mamaya niyan maligaw ka pa. Mabuti nang kasama mo kami pauwi," ani Unggoy.

Kung lumakad siya ay parang siga, habang dala-dala ang isang bola na ginagamit sa larong basketball.

"Ayaw mo rin bang makasamang umuwi ang pinaka-pogi rito sa Malungsaya?" dagdag niya. Tinataas-baba pa nito ang kaliwang kilay.

Bumitaw si Regine sa pagkakahawak sa'kin. Kinuha niya ang bolang hawak-hawak ni Unggoy pagkatapos ay ibinato ito sa ulo ng binata.

"Masiyadong mahangin 'yang utak mo. Dapat na 'yang payug-yugin, baka sakaling maghimala," kunwaring galit niyang sabi. Ibinalik niya ang pagkakahawak sa'kin nang magawa ang kaniyang pakay.

Pumunta kami sa isang patag na lugar-na bahagi pa rin naman ng eskuwelahan. Maraming nakapaligid roon at nagsisigawan pa ang iba.

One thing I've noticed, ang kakulangan ng kalsadang dadaanan ng mga estudyante papunta sa mga rooms nila-kailangan pa naming bantayan ang paglalakad kung 'di ay madadapa kami dahil sa medyo may kalakihang mga bato. Ang mga paa pa namin ang kailangan mag-adjust.

Matamis' government should do something about this. Every student deserves a high-quality education at kasama na do'n ang maayos na pasilidad.

Well, baka kulang lang talaga sa budget ang munisipalidad na 'to?

Or maybe the budget was corrupted? Wala namang nakakagulat diyan, syempre gobyerno 'yan, that's there trademark aside from most of them, thinking that they should be praised and prostrated by the people for doing such projects and helping certain citizens, gamit ang pera lang din naman ng tao. Kung may nakakagulat man, 'yon ay ang kung bakit pinag-papatuloy pa rin silang umupo sa puwesto.

Taxpayers pa nga dapat ang talagang pasalamatan nang lubos, sila ang mga tunay na kumakayod.

O baka may plano naman, pero saka na lang 'pag panahong malapit na ang eleksiyon?

"Grabe, iba talaga ang charisma ng kaibigan natin, Regine."

"Ang sabihin mo, talo ka talaga kay Earl."

Hindi ko alam kung anong pinagsasabi nila pero pamilyar sa'kin ang pangalang "Earl".

Nang mapansin ng ibang nakapalibot sa lugar na papalapit kaming tatlo, may ibang nag-adjust at binigyan kami ng p'westo. Balak ko sanang tanungin si Regine o si Unggoy pero pinagkakaguluhan sila ng ibang estudyante at hindi ko alam kung bakit.

As We Created Our Own Sound (Completed)Where stories live. Discover now