CHAPTER THIRTY-TWO

330 30 22
                                    

July 24, 2015Friday, 9:38 PM

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

July 24, 2015
Friday, 9:38 PM

Toronto, Canada

"Excuse me, I ordered a slice of strawberry cake, why did you served me chocolate? You want me to give you buds for you to clean your ears?"

Napalunok ako nang marinig ang reklamo ng isang babaeng customer matapos kong e-serve sa kaniya ang plato na naglalaman ng chocolate cake.

"I'm so sorry, Ma'am," giit ko. Nginitian ko siya. "Please wait for a minute."

Kinuha ko ang plato pagkatapos ay bumalik sa counter. "Lex, pa-change nga nito, strawberry cake pala, naguluhan ako," sambit ko kay Lex. Kasalukuyan siyang nakatayo sa glass stante.

Kinuha ni Lex ang plato at pinalitan ng chocolate cake. "Ilang customers na lang ba? We need to close the Café in a few minutes. It's almost ten in the evening."

Ginala ko ang paningin sa buong sulok.

"Lima na lang," tugon ko. Pagka-abot niya sa'kin ng platitong naglalaman ng slice ng strawberry cake, agad ko itong kinuha at ibinigay sa nagreklamong customer.

Pagkatapos maibigay, humakbang ako papunta sa upuan at ibinaliktad ang nakabitay na sign para ipaalam--sa kung may paparating man na customers--na sarado na ang Café.

Ilang minuto ang lumipas, tuluyan nang lumabas ang lahat ng natitirang customer kaya't inayos na namin ni Lex ang kailangang ayusin at niligpit ang kailangang ligpitin.

Nang masirado ang Café, nag-umpisa akong maglakad sa hospital kung saan nakahandusay si Mama. Ilang hakbang lang ito mula sa Café kaya palagi na akong naglalakad sa tuwing uuwi, dahil masiyadong mahal ang bayad kung sasakay pa sa taxi.

Napabuntong-hininga ako matapos makaramdam ng lamig kahit pa man may suot-suot akong coat. napatingin ako sa shoulder bag matapos marinig ang pag-ring ng aking cellphone.

My mouth expanded as I realized who was calling. "Shan? Napatawag ka?" tanong ko.

"Wala lang. Alam ko kasing kakatapos lang ng trabaho mo. Wanna eat? Sagot ko."

Napasinghal ako. "Sure, halos ubos 'yong cakes kaya hindi ako naka-uwi kahit isang slice. Tsaka sa tanghali pa papasok ang baker bukas. Nagda-dalawang isip din akong bumili ng pagkain, wala pang suweldo."

"Hindi ka pa pala sinuwelduhan ni Mama?"

"Malamang, hindi pa oras para suwelduhan ako."

Rinig ko mula sa kabilang linya ang marahan niyang pagtawa.

"Asa'n ka na ba ngayon? Send me your current location. Kakalabas ko lang din sa office, papunta na ako sa parking lot."

"Okay, I'll be waiting. Bilisan mo ha, hanggang alas-onse lang din si Manang Jereza sa hospital, kailangan ko pang bantayan si Mama."

As We Created Our Own Sound (Completed)Where stories live. Discover now