CHAPTER SIX

630 41 6
                                    

June 18, 2011Saturday, 10:29 AM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

June 18, 2011
Saturday, 10:29 AM

"Ang salamat, thank you. Ang english naman ng 'ayos lang ako', 'I'm fine'. Ang umaga, morning. Ang tanghali, afternoon. Ang gabi, night. Ayaw ko na. Ay sige pa pala."

Napakunot ang noo ni Regine habang binabasa ang isang maliit na notebook na binigay ko kung saan nandoon ang mga english translations ng ibang mga salitang tagalog na alam ko.

Biglang pumasok si Unggoy sa kwarto. Hindi ko ito inaasahan. "Good morning, girls."

"Good morning, Russel. Hope you have a good day today and tommorow."

Nanlaki ang mga mata namin ni Unggoy nang marinig 'yon mula kay Regine.

"Hindi ako nag-expect na tototohanin mo talaga ang pagturo kay Regine. Akala ko sinabi mo lang 'yon para ma-turn-on ako sa'yo," he said. I can hear the essence of sarcasm making me roll my eyes as he focused his gaze on me.

Ang lakas ng apog.

Tinuloy ko ang atensyon ko sa notebook na kagabi ko pa tila hinahamon sa titigan. I started to plan writing a song since last night, but I'm still at a loss for words up until now.

Wala akong masulat.

"Siomai, ginagawa mo?" tanong ni Unggoy. Napalingon ulit ako sa kaniya.

"Sinusubukan kong gumawa ng kanta."

"Gusto niyong sumama sa'kin? Birthday ng kaibigan ni Mama. Doon sa sikat na resort sa kabilang munisipyo gaganapin ang party. Mom told me to bring my friends."

Sinarado ko ang notebook at tuluyang ibinigay ang atensyon kay Unggoy. "You sounds like you're rich. Hindi ba't katulong lang ni Nanny ang Mama mo?"

Tinawanan niya ako pagkatapos kong magsalita. "Oo, katulong sa business," natatawang tugon niya.

"Huh?" What the fuck.

"Si Lola Erlinda at ang mga magulang ko, ay business partners. Even your Dad and my parents also. Magkaibigan sina Nanny mo at Mama, kaya palagi akong nandito."

Hindi ko inaasahang marinig 'yon. Akala ko literal na katulong ang Mama niya. Maybe I should think first and be careful on my words next time. But if he's rich, bakit pa siya rito nag-aral?

"Ano, sasama kayo? Pinagpaalam ko pa naman na kayo kina Nanny, at sa Mama mo, Regine," sabi niya. Napatayo siya.

Tumayo rin si Regine at yinugyog ang sarili. "Kayo na lang, matutulog ako. Napagod ang utak ko. Tsaka may papa-inumin pa akong kabayo, mga kambing, at manok, mamaya. Russel, balutan mo'ko kung p'wede. Baka wala kaming ulam bukas, iinitin ko na lang."

As We Created Our Own Sound (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon