CHAPTER TWENTY

443 39 52
                                    

July 04, 2011Monday, 4:34 PM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

July 04, 2011
Monday, 4:34 PM

"Regine, sigurado ka bang ayos lang kayo ni Unggoy? Ba't parang iniiwasan niyo ang isa't-isa?" tanong ko kay Regine.

"A-Ayos lang n-naman kami," sambit niya. Hinanap ng mata ko si Earl pero hindi ko siya mahaligap, tila nabantayan 'yon ni Regine. "Sino bang hinahanap mo?"

Binalik ko ang paningin kay Regine. "Nakita mo ba si Earl? Balita ko wala silang practice ngayon? Saan kaya 'yon."

"Ha? Bakit mo hinahanap?" Bigla akong nagtaka. Bakit ko nga ba siya hinahanap? Kasi gusto ko siyang makita? Bakit ko ba siya gustong makita?

"Siguro, kasama niya ngayon si Allodia," patuloy niya pa. Kinuha ko ang bag ko pakatapos ay inakay ito, gano'n din siya. Lumabas kami sa room at inumpisahag maglakad tungo sa gate.

"Vhea, 'yon si Earl, oh." Agad kong inilingon ang ulo ko sa kaliwang banda kung saan nakatayo ang isang malaking puno.

Nakita ko si Earl na tumatawa katabi si Allodia. Pareho silang nakasilong sa ilalim ng puno habang pareho ring may hawak-hawak na libro. They do look like a couple.

Mula sa pagkakahagikhik, bigla na lang inilipat ni Earl ang paningin sa'kin na siyang ikinataranta ko. Agad kong ibinaling ang paningin ko kay Regine at hinawakan ang kaniyang braso pagkatapos ay malakas na hinigit siya at naglakad.

Pagkalabas sa gate, pumunta kami sa isang stall kung saan may nagtintinda ng fisball. Kukuha na sana ako ng pera sa pitaka nang bigla na lang hinawakan ni Regine ang kamay ko at dahan-dahan niyang ibinababa.

"Ako na, libre kita. Pasasalamat ko na sa'yo," sambit niya. Magrereklamo sana ako ngunit agad siyang dumutdot sa mga estudyanteng nagsisiksikan sa harap ng stall.

Earl and Allodia approached the stall a few moments later, which caught me off guard.

I was about to cram in with the other students when Allodia noticed me. "Vhea!" sigaw niya.

Some students gave us a brief glance but eventually returned their gaze back to the woman who sells fishballs.

Nang tuluyan silang makapuwesto sa harapan ko, pareho ko silang binigyan ng pilit na ngiti. Nilapitan ako ni Allodia.

Bumalik si Regine sa gawi ko at inabot ang plastic cup na naglalaman ng ilang piraso ng fishball. Allodia shifted her gaze to Regine.

"Regine, p'wede bang bilhan mo rin ako ng ganiyan?" malumanay niyang tanong. Tumango si Regine.

"Sure," giit niya. Kinuha nito ang perang ibinigay ni Allodia at agad na nakipagsiksikan ulit.

Inumpisahan kong kainin ang fishball.

"You're supposed to be wealthy, why are you eating such inexpensive food?" tanong niya. Kumunot ang noo ko.

"Why? Bawal bang kumain ang isang mayaman ng fishball?" tugon ko. Sinubo ko ang isang piraso ng fishball at ipinakita sa kaniya ang natatakam na reaksiyon ko.

As We Created Our Own Sound (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon