CHAPTER SEVENTEEN

441 39 28
                                    

July 02, 2011Saturday, 9:24 AM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

July 02, 2011
Saturday, 9:24 AM

"Babalik ako rito mamayang tanghali. Lilibangin ko muna si Regine dahil alam kong maghahanap talaga 'yon sa inyo," sambit niya. Nang matapos magsalita'y nagpa-alam na siya't tuluyang minaneho ang kaniyang kotse.

Iginala ko ang paningin--sa kung hanggang saang dapo ng mata ko ang kayang tingnan--dito sa loob ng Sansan's Beach.

Naglakad ako haggang sa dulo ng malaking open cottage. Tama nga ang pagpili ni Russel ng lugar kung saan gaganapin ang birthday celebration ni Regine. This place is perfect.

Fresh air, as expected, was adventuring all over the place, as if they were children, and I was a frolicking playground, playing all over my body.

The yellowish-white sand was glistening as the light shone down. Stones, seashells, dried seaweeds, and even arid leaves, were being scattered on the seafront.

The bum of bantam waves, combined with the peeping sound of birds--gliding over the azure sky--filled my ears, as if they were testifying to me that the entire serene panorama was well worth the view.

Napatalikod ako nang marinig ang magaspang na tunog. Nakita ko si Earl na itinutulak ang isang malaking karton kung saan nakalagay ang iba't-ibang klase ng mga palamuting p'wede naming ma-design sa cottage.

Inilagay ko ang akay-akay na backpack sa mataas na mesang nakapuwesto sa gitna ng cottage. Gano'n rin ang ginawa ni Earl.

Lumapit ako sa malaking box pagkatapos ay sabay namin 'yong binuksan. Napakarami nitong laman. Makakaya kaya naming e-design 'to nang kami lang dalawa?

Tumingin ako kay Earl at saktong napatingin din siya sa'kin. Itinaas ko ang sariling magkabilang kilay. Dinampot niya ang isang malaking tarpauline. Halatang nabibigatan siya kaya't agad ko siyang tinulungan.

Inilatag namin ang nakatuping tarpauline sa mesa't inumpisahan ang pagladlad dito. Nakaprinta rito ang mga pictures ni Regine at ang nakasulat sa mataas na parte ng tarpauline na, "Happy 18th Birthday, Regine!".

Nagulat kami nang magsidatingan ang tatlong babae kasama ang isang lalaki. Isa lang ang kilala ko sa kanila-si Kylie.

Napansin ko ang pagngiti ni Earl habang nakatingin sa sa gawi nila. Nasilayan ko rin ang pag-ayos niya sa sarili at ang pagpasok ng magkabilang kamay sa kaniyang bulsa.

Nilapitan sila ni Earl nang tuluyang makasilong sa cottage. Nagulat ako nang bigla na lang siyang yakapin no'ng isang babaeng ngayon ko pa lang nakita.

Ngumiti si Earl at sinuklian ang babae ng yakap. Pagkatapos nilang magyakapan, lumapit ang babaeng kayakap niya sa'kin.

Her aura was fiercer than mine. Her skin were more lighter than mine, also. Her lips was as pinkish as Earl's nipples. She has an awesomely pointy nose and her cheeks were not that chubby that suits on her small face. Her eyes were captivating.

As We Created Our Own Sound (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon