CHAPTER TWENTY-FIVE

371 36 29
                                    

July 19, 2011Tuesday, 4:01 PM

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

July 19, 2011
Tuesday, 4:01 PM

Naibuka ko ang mga mata, matapos maramdaman ang mainit na pakiramdam sa'king kamay. Iginala ko ang paningin sa paligid.

Halos mapalundag ako mula sa pagkakahiga nang masaksihang kasalukuyang naka-upo si Earl--sa isang plastic na upuan--na nakapuwesto sa gilid ng kamang hinihigaan ko.

Nakahiga ang ulo niya sa gilid ko. Mahigpit ring hinahawakan ng kaniyang kamay ang kaliwang kamay ko.

Pinilit kong i-alis ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya ngunit pinagsisihan kong ginawa ko 'yon dahil napagising siya.

I forcedly closed my eyes and gave my best shot, pretending that I'm still falling asleep. Napamura ako sa isipan nang maramdamang napabangon ang ulo niya.

Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, matapos niyang hipan ng ilang beses ang kamay ko.

Napatigil siya sa pag-ihip. Ilang segundo lang ang lumipas, bigla na lang niyang hinaplos ang ilong ko, na siyang tuluyang nagpabuka ng aking mga mata.

Naiilang akong tumitig sa kaniya. Naging medyo magulo ang buhok niya habang halata sa kaniyang mga mata na kagigising niya pa lang at inaantok pa siya.

He eventually gave me a piece of heavenly smirk. Napansin ko ang medyo pamumula ng pisngi niya.

Ngumuso siya sa'kin pagkatapos ay nakangiting inihiga ang ulo niya sa kaliwang braso ko. Agad naman siyang bumangon ulit at ngumisi sa'kin.

Nananaginip ba ako?

Isineryoso ko ang eskpresiyon ng mukha ko dahil ayokong ipahalata sa kaniyang kinikilig ako. Alam ko ring hindi ito ang tamang oras para kiligin ako dahil may mas importante akong dapat tuunan ng pansin.

Nang mabitawan niya ang kamay ko, kinuha niya ang kaniyang bag na nakapatong sa mesang nasa gilid din ng kama, pagkatapos ay kinuha ang mga gamit pansulat.

Allergic ka ba sa ngiti ko? Namumula ka kasi sa tuwing nginingitian kita.

Kinagat ko ang labi ko dahil gusto ko na talagang ngumiti matapos basahin ang sulat niya.

Kung allergy man ako sa mga ngiti niya, siguro'y embes na kakainisan ko, baka mas gusto ko pang allergy-hin na lang palagi, basta masilayan lang siyang nakangiti.

Binigay niya sa'kin ang notebook at ballpen matapos niyang mapansin na nabasa ko na ang isinulat niya.

Walang gano'ng klaseng allergy, Earl. Kaya ako namumula kasi nakahiga ako, ganito lang talaga ako minsan pag nakahiga sa kotson. 'Yong dugo kasi natin parang nag-e-evaporate dahil nga nagsi-stay lang ang katawan natin kung nakahiga kaya pumupula ang balat natin.

Alam kong malaking kalokohon ang gawa-gawa kong rason. Ngayon lang pumasok sa isipan kong matalino pala itong kaharap ko.

Inirapan ko siya matapos niyang basahin ang isinulat ko dahil bigla na lang siyang humalakhak ng napakalakas.

As We Created Our Own Sound (Completed)Where stories live. Discover now