CHAPTER TWENTY-NINE

422 40 25
                                    

February 12, 2012Sunday, 8:12 AM

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

February 12, 2012
Sunday, 8:12 AM

Earl seemed to notice me after I carefully strolled beside him, as my lips were poised to utter the "birthday song."

Embes na siya ang gulatin ko, ako pa ang nagulat nang bigla na lang siyang napatalikod.

Ngumisi ako sa kaniya nang mapaharap siya sa'kin. I immediately showed him the cake.

He's still wearing a stripe pajama. A mint-green apron that covered his sleeveless undershirt. His hair was a little bit chaotic and it makes him cute--for me.

"Wow, cake, naks," nakangiti niyang sambit. Hinablot niya ang paper box--kung saan nakalagay ang cake--mula sa'king mga kamay at inilagay sa mesa.

Pumuwesto siya sa harapan ko matapos mailagay ang cake. He then partly demoted his head, and placed it near on my face. Napalunok ako nang mas lalo pa niyang itong ilapit.

Napapikit ako nang aksiyong ilalapit pa niya ang pagmumukha niya sa'kin.

Agad naman akong napamulat nang maramdaman ang hanging inilalabas ng kaniyang ilong, sa aking tainga.

"Thank you for the cake. . . " Narinig ko ang mahina't mabilis niyang pagtawa matapos magsalita.

"Hindi kita hahalikan hangga't hindi mo'ko sinasagot. My lips is so soft, just like a newly-made sponge, too bad you can't kiss it."

Mabilis siyang napabalik sa mesa matapos magsalita't sinenyasan akong umupo sa upuang hinahawakan ng kaniyang kamay. Humakbang ako't umupo rito.

"A princess needs to watch how good his prince at cooking. But she should be careful, baka kasi mas gusto niya pang tikman ang nagluto, kesa sa niluto. Ayos pa rin, magpapatikim naman ang nagluto."

Kinuha ko ang notebook at ballpen mula sa shoulder bag na dala ko.

Ewan ko sa'yo, umagang-umaga parang sabog ka na. Do you want me to help you? I can slice such vegetable. Ano ba 'yang niluluto mo?

"I'm currently cooking sinigang. May iba pa akong putaheng iluluto matapos niyan." Tumungo siya sa likuran ng inu-upuan ko't hinimas-himas ang balikat ko.

"The princess still needs a ruler, for her to slice the vegetable properly. 'Pag gano'n, baka matagalan."

Pareho kaming natawa sa sinabi niya.

Hoy, 'yon kaya 'yong first time ko na maghiwa ng gulay. Natatakot akong magbigay sa'yo ng hiniwang mga gulay, na hindi tama ang mga size sa pag-slice. So gumamit ako ng ruler para maganda ang pagkakahiwa.

Ibinuklat ko ang kasunod na pahina matapos masaksihang wala nang lugar kung saan puwede pang sulatan ang kasalukuyang pahinang sinusulatan ko.

Dagdag points pa'ko sa'yo 'pag nahiwa ng maayos kaya kina-reer ko na lang.

As We Created Our Own Sound (Completed)Where stories live. Discover now