CHAPTER NINE

558 40 12
                                    

June 20,2011Monday, 4:46 PM

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

June 20,2011
Monday, 4:46 PM

Kasalukuyan kaming naglalakad pauwi ni Regine. May practice sa archery si Earl habang may basketball practice naman si Russel.

Ngayon ko lang din nalamang sikat pala talaga si Russel dito. Sikat siya dahil isa siya sa mga pinakamagaling na player, at representative sa basketball team ng eskuwelahan.

"Kumusta kayo kahapon ni Earl? Nakagawa na kayo ng kanta?" tanong ni Regine. "Ako, sinubukan kong gumawa, kaso tinawanan lang ako ng partner ko pagkatapos maipakita 'yon sa kaniya."

Umiling ako.

Kunot-noo ko siyang hinarap. "Bakit ka naman tinawanan?"

"Ewan, siguro pangit lang talaga ang panlasa niya pagdating sa kanta," seryoso niyang tugon.

Itinaas niya pa ang kilay niya't napahinga ng malalim. "Siya na lang daw gagawa tapos sasayaw na lang ako sa performance."

Kung pasayawin ko na lang din kaya si Earl sa performance habang ako, kumakanta? Mukhang hindi naman siya marunong sumayaw. Tama na 'yong sinabi niya kahapong ako ang kakanta at siya ang magsusulat ng kanta.

"Kami ni Earl, ayos naman. Naghahanap ng inspiration kuno para makagawa ng magandang kanta." Bigla na lang akong may naalala. "Regine, may manliligaw ka pala?"

Nasilayan ko ang pagkagulat niya dahil sa sinabi ko. Napahinto siya sa paglakad at humarap sa'kin. As she looked at me, I noticed how her cheeks flushed and her eyes appeared to panic.

"Paano mo nalaman? S-si JM ba ang t-tinutukoy mo?" magkasunod niyang tanong.

"Nagkakilala kami kahapon, sa Shrine. Tapos kinuwento niya sa'kin 'yong mga naranasan niya sa siyudad. Binigyan niya ako ng ilang mga payo. Kakakilala ko lang sa kaniya kahapon pero komportable na akong makipag-usap sa kaniya," sagot ko.

"Akala ko nga ni-reto 'yon ni Earl sa'kin." Napatawa ako't nakita kong ngumiti siya. "Mahal mo ba? May balak ka bang sagutin siya?"

"Tatlong-taon na siyang nanliligaw sa'kin. Tatlong taon na ring pa-ulit-ulit kong hindi sinasagot. Ramdam ko naman 'yong pagmamahal niya sa'kin, at sa totoo lang, may nararamdaman din ako sa kaniya noon," tuloy-tuloy niyang paliwanag.

"Noon? Nawala na ba ang nararamdaman mo para sa kaniya?"

"Grumaduate siya at minsan na lang kaming nagkikita. May isang taong dumating na nagpabura ng nararamdaman ko kay JM. 'Yong taong 'yon ang nagparamdam ulit sa'kin ng kilig, pagka-ilang, at 'yong tipong pag nakikita ko siya, bigla na lang akong mapapangiti, kaso 'yon, 'di pa rin ako sigurado sa kaniya."

I've never been inlove for my whole eighteen years of existence so I really don't know what's the feeling of being inlove with a person.

Hanggang attraction pa lang sa isang tao ang naramdaman ko. Pero nasubukan ko nang magmahal ng isang bagay-magmahal ng pera. Tangina lang.

As We Created Our Own Sound (Completed)Where stories live. Discover now