CHAPTER THIRTY-FIVE

335 31 5
                                    

August 19, 2015Wednesday, 7:06 PM

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

August 19, 2015
Wednesday, 7:06 PM

Days already passed and almost all of the life-scenarious my mind didn't expected to happen, surprisingly happened. Life really is full of surprises and it's either you'll label those as a blessing, or an another state of sufferance.

"Vhea, 'wag ka na magdala ng maraming damit, okay na 'yong tatlo o apat na pares. Dalawang araw lang naman kayo ro'n 'di ba?"

Napatigil ako sa pagpaslak ng mga gamit matapos marinig ang iginiit ni Stacey. Tatlong araw na rin simula nang pumunta siya rito sa Toronto.

Simula no'ng araw na pumayag akong magpakasal kay Russel, ang pamilya na ni Russel ang nagma-manage ng natirang kompanya ni Papa, kaya hindi na masiyadong nahihirapan si Stacey at nagawa na niyang makabisita rito.

"Nga pala, Vhea, hindi ka man lang ba bumibisita sa condo natin? Pumunta ako ro'n kahapon, halatang walang naglilinis, ang daming alikabok. Tapos may mga naka-kalat na patay na mga daga kaya ang baho," dagdag niya, habang binubuksan ang cup noodles na hawak-hawak niya.

Ngayon lang ulit pumasok sa isip ko ang condo na binili ni Papa, noong araw na-confine rito sa Toronto si Mama.

Napatigil ako sa pag-ayos ng mga damit at napaharap sa kaniya. "Sayang pamasahe, medyo malayo rito. Tsaka bumibisita naman ako ro'n paminsan-minsan, ayoko lang talagang mas mamalagi pa ro'n kasi ang tahimik, nakaka-umay," tugon ko.

Napahawak ako sa bulsa matapos mag-ring ang cellphone ko. Nang matingnan kung sino ang tumawag, walang ganang pinindot ng daliri ko ang answer button.

"Oh?" bungad ko, matapos sagutin.

"Iiwan mo na ba ako? Akala ko walang iwanan? Akala ko ba lilibutin pa natin ang mundo nang magkasama? Akala ko ako lang? Akala k--"

"Tanginamo, Shan."

Rinig ko ang malakas niyang paghagikhik.

"Mas tangina ka kasi iiwan mo na ako."

"Tanga, dalawang araw lang naman, uuwi rin ako agad," walang gana kong sagot.

"Ay, parang malungkot, hindi ba sapat 'yong two days? O baka dahil ma-mi-miss mo lang talaga ang ka-cute-tan ko?" he asserted.

"Ewan ko sa'yo," I appealed, "pero naks naman, tumawag pa talaga, sabihin mo na lang kung may gusto ka sa'kin para ma-reject na kita, lodicakes."

Humagikhik siya.

"Putanginamo, Vhea," natatawa niyang sambit. "Ibababa ko na 'to, have a nice trip. Alam kong marami kang problema kaya sana ma-enjoy mo 'yang pagbisita mo riyan sa Pilipinas."

"Wow naman, flowering words. Ano kayang kapalit. . ."

"Isang supot ng chicharon, please."

"Oo na," sambit ko, bago tuluyang ibinababa ang tawag. Ibinalik ko ang cellphone sa bulsa, bago tuluyang isinara ang maletang dadalhin ko.

As We Created Our Own Sound (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя