CHAPTER THIRTY-SEVEN

379 35 26
                                    

August 24, 2015Monday, 8:31 AM

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

August 24, 2015
Monday, 8:31 AM

The two-day visit at Matamis isn't really that good. The night after I finally met Regine again, bumalik ako sa bahay ni Nanny, at doon nakumpirmang hindi na siya nakakatayo't nanghihina na pala siya.

Wala na akong ibang ginawa sa natitirang mga oras ko sa Matamis, kung 'di ang alagaan si Nanny, hanggang sa tuluyan na ulit kaming nakabalik ni Russel dito sa Canada.

"Ang ganda," bulalas ko, matapos maibigay ni Stacey sa'kin ang isang bouquet ng puti at pulang mga rosas. Inilapit ko ito sa'king ilong at hindi maiwasang mapapikit dahil sa hatid nitong nakakabighaning bango.

"Mas nauna ka pang ikasal sa'kin," sambit niya habang hinahaplos-haplos ang iba't-ibang parte ng suot-suot kong gown. "Kung p'wede lang na ako ang magpakasal kay Russel para hindi ka na humantong sa ganito."

Niyakap niya ako't hinayaan siyang ipatong ang kaniyang panga sa'king balikat. "Kaso gurang ka na, 'di ka bagay sa kaniya," pabirong giit ko, na ikinahagikhik niya.

"I can't believe that the girl who's just crying back then everytime I'll change the tv channel from a cartoon series she loves watching, to a documentary that I'm interested to look out, is now a strong woman, even stronger than me. I want you to know that I'm so proud of you, Vhea."

My tears were getting ready to hug my cheeks, but then my head forced to looked up on the ceiling, causing it to not drip.

"T-Thank you, A-Ate."

"Hoy, 'wag ka umiyak, sige ka, baka matanggal 'yang make-up mo," she slowly uttered, after facing me.

Inalalayan niya akong lumabas sa condo na nabili ni Papa--dito namin napagpasiyahan na ayusan ako. Nang makalabas, agad na bumungad sa'kin ang isang puting kotse na pinalamutian ng pulang mga rosas.

Napatingin ako kay Ate bago niya bitawan ang pagkakahawak sa kamay ko. Inayos niya ang bandang likuran ng aking gown, bago ako sinenyasan na pumasok na sa kotse.

Nang makapasok, inayos ko ang suot-suot na gown. Dahil sa kalakihan nito'y medyo gumulo ang bandang dulo matapos masara ang pintuan ng sasakyan.

Pagkatingin sa driver, agad siyang nag-bow sa'kin at ini-abot ang isang cellphone. Nang matanggap, may isang mensahe, na mukhang para talaga sa'kin.

Huwag mo akong ipahiya sa mga bisita ko. Alam kong hindi niyo gustong ikasal sa isa't-isa. Kung sakali mang may mangyaring hindi maganda at ikaw ang naging rason o isa sa mga rason kung bakit iyon nangyari, babawiin ko lahat ng naitulong ko sayo at sinisigurado kong magdudusa ka pati na ang pamilya mo.

She wants me to feel the essence of love as I enter the church. Instead of pouting, she wants me to smile as my foot will step on the church's floor. She wants me to savor every moment, as if I'm the luckiest girl in the world because I'm the one who will marry her son. I guess her point.

As We Created Our Own Sound (Completed)Where stories live. Discover now