CHAPTER EIGHT

623 45 8
                                    

June 19, 2011Sunday, 11:11 AM

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

June 19, 2011
Sunday, 11:11 AM

"Dalawang ice tubig, dalawang Fish Crackers, dalawang Oishi na maanghang, at sampung Yahoo biscuits na mocha flavor," diretsong sabi ko sa tindera ng tindahan. Kasalukuyan kong hawak-hawak ang papel kung saan nakasulat ang pinapabili ni Earl.

Inabot ko ang singkwenta bilang bayad.

Napapasulyap sa'kin ang tindera habang kinukuha niya ang mga gusto kong bilhin.

Inilagay niya sa isang cellophane ang mga chichirya pagkatapos ay inabot sa'kin kasabay ng dalawang pirasong ice tubig.

"Bago ka rito sa Matamis, hija?" tanong niya. Narinig ko ang ingay ng mga barya na tila nilalaro ng kaniyang mga kamay.

"Oo," I answered, "bakit?"

"Ahh, kasintahan mo si Earl?" Nakayuko pa rin siya nang magtanong.

Napakunot ang noo ko. "Hindi, Manang. Magkaibigan lang kami, tsaka magka-klase," sambit ko, sabay iling.

"Akala ko pa naman papatol ka sa isang bingi. Maganda ka pa naman," natatawa niyang sabi. Tuluyan na niya akong tiningnan pagkatapos.

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya.

Nonsense thought of nonsense people doesn't deserve any piece of attention.

Binilang niya ang mga baryang hawak-hawak, pagkatapos ay ibinigay ito sa'kin.

Nang makuha ang sukli, agad akong naglakad paalis sa tindahan.

Sa siyudad, ang mga ganitong oras ay masyadong napaka-init, ngunit dito, medyo nilalamig pa'ko dahil sa malamig na simoy ng hangin. Dahil na rin siguro'y paakyat kami sa isang bukid.

Habang hawak-hawak sa magkabilang kamay ang pinamili, tanaw ko si Earl na nakatayo sa ilalim ng punong nasa gilid ng sementong kalsada. Nakayuko na naman sa libro ang pagmumukha niya.

Hawak niya sa kanang kamay ang librong kasalukuyan niyang binabasa habang nakapasok ang kaliwang kamay sa malaking bulsa ng kaniyang jacket. Naitataas ng hangin ang ibang bahagi ng kaniyang buhok.

I immediately avoided glancing him when he turned to face me. I returned my gaze to him when I realized-from my side perspective-that he had reinserted the book inside his jacket's pocket.

Tumakbo siya papalapit sa'kin at sinilip ang mga nabili ko. Ngumiti siya at nag-thumbs-up bago kinuha ang mga dala ko.

Nag-umpisa kaming maglakad. Ilang hakbang pa lang ang nalalakad ko, nakakaputangina na.

Halos hindi na ako makahinga dahil sa pagod. Mas naunang maglakad si Earl. Hindi ako sanay maglakad papunta sa matataas na lugar-sa hagdan nga nahihingal na ako, sa kalsadang 'to pa kaya na hindi ko alam kung hanggang kailan kami makakarating sa paroroonan namin?

Tumigil ako sa paglalakad. Nahalata niyang napatigil ako kaya napalingon siya sa'kin. Hinawakan ko ang dalawa kong tuhod at hinilot-hilot pagkatapos ay tinatadyak-tadyak.

As We Created Our Own Sound (Completed)Where stories live. Discover now