CHAPTER TWENTY-FOUR

351 35 12
                                    

July 19, 2011Tuesday, Early Morning

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

July 19, 2011
Tuesday, Early Morning

Mag-isa akong tumungo sa eskuwelahan habang malumanay na pinapatuloy ang pagtadyak sa bike. Hindi ko alam kung bakit hindi ako pinuntahan ni Regine sa bahay dahil 'yon naman ang palagi niyang ginagawa, para sabay kaming pumasok.

Hindi kami nagkita ni Earl no'ng weekend dahil may practice sila sa archery, malapit na ang intrams at kailangan nilang mas igihan ang pag-ensayo.

Embes na sayangin ang mga araw na 'yon, nag-practice ako ng bisikleta hanggang sa tuluyan na talaga akong matuto. Pinagtuunan ko rin ng pansin ang paggawa ng tono sa dalawang kantang isinulat ni Earl.

After a plenty times of pedalling, I released a sigh as this is the first time that I arrive at school by riding a bike. I parked the velocipede on the bike's parking area and instantly walked towards our room.

Habang naglalakad, kanina ko pa napapansin na halos lahat ng estudyanteng nadadaanan ko'y napapatingin sa'kin.

"Akala ko talaga, hindi siya gano'ng klaseng babae."

"Oo nga, tsaka akalain mo, nililigawan pala ni Russel si Regine?"

"Hoy sa true, narinig ko rin 'yan, akala ko pa naman hanggang magkaibigan lang talaga. I mean, ang yaman kaya ni Russel tapos papatulan niya 'yong dugyot na babaeng 'yon."

"Baka ginayuma ni Regine."

Napatigil ako nang marinig ang mga bulungan.

Susugurin ko sana 'yong dalawang babaeng pinag-uusapan sina Regine at Russel pero bigla na lang tumunog ang school bell. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad.

Hindi pa man nakakarating sa room, agad ko nang nasilayan si Russel na nakasandal sa pader ng room namin. Parehong nakapasok ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa ng kaniyang slax at mukhang malalim ang iniisip.

Nang tila mapansin akong papalapit, napaharap siya sa'kin at mabilis na naglakad papunta sa'kin. Hinawakan niya ako sa braso at idinala sa likuran ng isa sa mga rooms.

"Russel, ano bang problema?" tanong ko, matapos niyang bitawan ang kamay ko. Kinuha niya mula sa kaniyang bulsa, ang kaniyang cellphone at may pinindot bago niya ito iniharap sa'kin.

The video of me, dancing in the bar, na bra lang ang suot, has been played. Para akong naging baliw habang may hawak-hawak na isang botelya ng alak. Iniligo ko pa ang laman ng bote sa gitna ng pagsasayaw.

"Kumakalat 'yang video na 'yan, ngayon. May nag-send sa'kin at sinabing kailangan kong panoorin. Akala ko konektado sa isa sa mga subject natin kaya binuksan ko. Nang mapanood, nagulat na lang ako na 'yan na ang nasilayan ko. Hindi lang 'yan ang sinend sa'kin, may iba pang mga video na hindi ko na sinubukang buksan."

Napabuntong-hininga ako at nag-umpisang mangilid ang aking mga luha. "Did Earl already seen those videos?"

"Maybe," he answered, "mas nauna siyang nakarating dito, kesa sa'kin, baka may nagpakita sa kaniya ng video."

As We Created Our Own Sound (Completed)Where stories live. Discover now