CHAPTER NINETEEN

483 49 55
                                    

July 02, 2011Saturday, 9:03 PM

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

July 02, 2011
Saturday, 9:03 PM

Pagkabalik, kakatapos lang isayaw ni Aling Marife ang kaniyang anak. Nasayangan ako dahil hindi ko man lang narinig ang wish ni Russel at ni Aling Marife, kay Regine.

Pumagitna ako sa kinatatayuan nina Earl at Russel. Pareho silang tumingin sa'kin nang mapansin ang pag p'westo ko.

"Sa'n ka galing?" tanong ni Russel. Tinapik ko ang balikat niya.

"Nag-cr. Naihi ako. Sayang, 'di ko narinig wish mo kay Regine." Napaharap kami ni Russel nang marinig ang naiiyak na boses ni Manong Tata.

"Regine, anak, happy birthday," sambit niya.

"Marami kaming pagkukulang sa'yo, anak. Pasensiya na kung hindi man namin maibigay sa'yo 'yong ibang mga pangangailangan at kagustuhan mo, alam na alam namin 'yon ng mama mo.

"Ngunit nak, hindi mo pinaramdam sa'ming marami kaming pagkukulang dahil pinili mong ipadama at ipakita sa'ming kuntento ka. At do'n pa lang, gusto na naming magpasalamat sa'yo, pati na sa mama mo at sa sarili ko dahil alam kong napagtanto kong nagpalaki kami ng isang mabuting bata.

"Naaalala ko pa noong sampung gulang ka pa lang, gumising tayong walang makain sa oras na 'yon. Nag-iyakan na sina Andrei at Nica, pati na ang mama mo, at aaminin ko sa harap ng mga taong 'to, naiyak din ako sa puntong 'yon, dahil bilang haligi ng tahanan, hindi ko man lang kayo mabigyan ng pagkain.

"Pero ikaw, imbes na humagulhol, nilapitan mo'ko at sinabing 'Pa, tara, tulungan kitang maghanap ng makakain para kina Mama,' pagkatapos yumakap ka sa'kin at pinahiran mo ang mga luha ko.

"Regine, anak, ipinagmamalaki kita. Kahit ano mang sabihin ng iba, alam kong ginagawa mo ang lahat para maging isang mabuting anak. Hindi ka man kagaya ng iba na halos balik-balik nang pinapa-akyat ang mga magulang nila sa stage dahil sa dami ng award, pinapakita mo pa rin sa'ming ginagawa mo ang lahat para makapagtapos sa pag-aaral.

"Sana bigyan ka ng Panginoon ng maayos na pangangatawan hanggang sa mga susunod na taon. Nawa'y proteksiyunan ka niya sa anumang sakuna. Sana gabayan ka niya sa mga gagawin mong mga desisyon at aksiyon sa hinaharap. At sana makapagtapos ka sa pag-aaral para magkaroon ka ng magandang buhay.

"Anak, mahal na mahal na mahal ka namin ng mama mo. Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para mabigyan kayo ng mabuting kinabukasan.

"Sa ngayon, tiis-tiis muna tayo, darating din 'yong araw na hindi tayo mauubusan ng pagkain, kahit ilang beses man nating gustong kumain sa isang araw, at kahit ubusin man natin lahat ng paninda sa isang tindahan, hindi-hindi tayo mauubusan ng pera. Balang araw, makaka-ahon din tayo."

Mabilis na inihipan ni Regine ang kandila bago sila nag-iyakan. Hindi ko rin namamalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.

Nang maisayaw ni Manong Tata si Regine, halos lahat kami ay talagang tutok lang sa kanila.

As We Created Our Own Sound (Completed)Where stories live. Discover now