CHAPTER FOUR

671 48 19
                                    

June 14, 2011Tuesday, Early Morning

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

June 14, 2011
Tuesday, Early Morning

"Regine, ito gamitin mo, baka mapano pa 'yang labi mo pag ginamit 'yan." Inabot ko sa kaniya ang isa sa mga lipstick ko na hindi ko pa nagagamit. "Sa'n mo ba nabili 'yan?"

She emplace the I-think-fake-lipstick back to her pocket and grabbed the one I had given her. She applied it to her lips right away. Bumagay sa kaniya ang shade ng lipstick.

Ngumuso-nguso pa siya ng ilang beses habang nakaharap sa maliit na salamin bago tuluyang humarap sa'kin.

"Akin na ba 'to?" tanong niya sa'kin. Sinauli niya ang kasalukuyang ginagamit na salamin sa kaniyang bag.

"Oo, marami pa naman akong lipstick dito."

"Binili ko 'yon sa palengke. Mula singkwenta, naging bente pesos na lang kaya bumili ako, sayang kasi."

Based from the price, mukhang fake nga.

Ma'am Ashley suddenly appeared in front of us, and we-along with the rest of our classmates-immediately made plans to sit properly.

"Magandang umaga mga anak. Kompleto na ba kayo? May importante akong i-a-anunsiyo sa inyo."

Hindi pa dumadating sina Earl at Unggoy.

Napansin 'yon ng mga kaklase namin kaya sinabi nila ito kay Ma'am. Balak ko sanang tanungin si Regine pero nakatingin rin siya sa'kin. Wala rin yata siyang alam.

"Okay, uumpisahan ko na lang kahit wala pa sila, baka maya-maya dumating rin 'yong mga 'yon." Nag-umpisa siyang magsulat sa board.

Sa gitna ng pagsusulat, saka pa dumating ang dalawa. Sa kanang pintuan sila dumaan para hindi sila makita ni Ma'am. May mga sugat si Unggoy sa mukha, dumudugo pa ang iba. Habang si Earl naman ay tila naiirita.

Kita ko ang pag-alala ni Regine.

Magtatanong sana kami sa kanila pero natapos si Ma'am sa pagsusulat at humarap sa'min.

Napansin niya sina Earl. "Mga anak, anong nangyari sa inyo? Bakit may mga sugat sa mukha 'yang katabi mo? Teka lang, kukunin ko muna ang medical kit."

"Russel, ano bang nangyari sa'yo?" seryosong tanong ko. Tumawa lang siya. Si Earl naman ay may kinuha sa kaniyang bag.

"Wow hindi mo'ko tinawag na 'unggoy', himal-aray puta," hindi niya na natuloy ang pagsasalita. Bigla na lang siyang napahawak sa mukha niya-nahapdian siguro.

Si Regine naman ay susuntukin sana si Unggoy sa braso pero agad kong pinigilan. "Regine, 'wag mo muna dagdagan ang mga sugat niya."

Bumalik siya sa pagkaka-upo. "Russel, nakipagsuntukan ka na naman ba? 'Di ba sinabi ko na sa'yo noon na lumayo ka na sa gulo? Ano na namang sasabihin ng mama mo pag nakita 'yang mga sugat na natamo mo? Papagalitan ka na naman."

As We Created Our Own Sound (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz