CHAPTER THIRTY-FOUR

350 29 4
                                    

⚠️TRIGGER WARNING⚠️

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

⚠️TRIGGER WARNING⚠️

August 04, 2015
Tuesday, 5:28 PM

"Pasensiya na, Lex, importante lang talaga," sambit ko kay Lex, matapos maibigay sa kaniya ang apron.

Binigyan niya ako ng pabirong tingin. "Ikaw talaga, dinner naman pala kasama ng mga magiging manugang mo, ako na lang muna magbabantay rito sa Cafe," saad niya, na siyang ikinangiti ko.

"Sige-sige, aalis na ako, may naghihintay pa sa'kin sa labas, salamat talaga."

Nang makalabas, agad na bumungad sa'kin si Russel na nakasandal sa kaniyang sasakyan habang nilalaro-laro ng kaniyang kanang kamay ang susi't ang kaliwa nama'y nakapasok sa kaniyang bulsa.

Pagkakita sa'kin, agad niya akong nilapitan.

"Ito pala 'yong Café na pinagta-trabahuan mo. . . Nice, nakaka-dugo rin ba sa ilong 'yong mga co-workers mo? Kasi for sure, 'yong mga customers niyo pa lang, english talaga pinuputak-putak niyan," giit niya.

Napasinghal ako. "Pinoy ang asawa ng may-ari at pinoy rin ang co-worker ko, dalawa lang kami nag-aasikaso. Minsan 'yong owner tumutulong din naman, very down-to-earth 'yon," paliwanag ko. Inalalayan niya akong makasakay sa passenger seat.

Nang makasakay na rin siya, hindi mapigilan ng bibig kong mag tanong. "Are you still taking those drugs?" tanong ko, na nagpatulala sa kaniya.

"H-Hindi na."

"That is reassuring. Once na malaman kong you're still taking it, hindi ko na itutuloy 'tong kasal, understand?"

"Yeah." Inumpisahan niya ang pagpa-pa-andar ng kotse.

"Your parents are already on the restaurant na pupuntahan natin?" tanong ko sa gitna ng biyahe.

"Yeah, I received a message minutes ago, before ka maka-labas sa Cafe."

"Oh, is that so?"

"Yeah, bakit, kinakabahan ka ba?"

Napangiti ako sabay singhal ulit. "Medyo lang," tugon ko.

"Nga pala, right after the dinner, babayaran nina Mama at Papa ang bayarin niyo sa hospital."

Tumango-tango ako.

Naging tahimik na kami sa sumunod na mga segundo. Ilang minuto ang lumipas, tuluyan na kaming nakarating isa sa mga pinaka-mamahaling restaurant dito sa Toronto. Inalalayan din ako ni Russel na makababa sa kotse.

Hinawakan ko ang braso ni Russel at sabay kaming pumasok sa loob ng restaurant. Russel abruptly comes to a halt and directs his focus toward a VIP table, where a lady and a gentleman were seated in the table's allotted chairs.

Sabay kaming napahinga ni Russel ng malalim, bago naglakad papalapit sa mesa.

Nang makalapit sa kanila, sabay na tumayo ang dalawa. My cheeks as well as Russel's mom, parted, habang nakipag-shake-hands naman sa akin ang ama niya.

As We Created Our Own Sound (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon