CHAPTER TWENTY-TWO

405 45 30
                                    

July 10, 2011Sunday, 11:23 AM

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

July 10, 2011
Sunday, 11:23 AM

"Sure ka na bang magpapa-short hair ka? Ang ganda-ganda pa naman ng buhok mo. Baka pagsisihan mo pa sa huli," giit ni Regine. Tuluyan kaming pumasok sa isang salon. "Bakit ba gusto mong magpagupit?"

Bakit nga ba ako magpapagupit? Well, absolutely because of my clownery. Si Earl kasi, masiyadong pa-fall.

"Medyo natataasan na kasi ako, masiyado na akong naiinitan. Tsaka feeling ko mukhang bagay naman sa'kin magpa-short hair. Ikaw, wala ka bang balak ipagupit 'yang buhok mo? Medyo mataas na siya Regine, ilang inches na lang aabot na sa puwet mo," giit ko.

Itinaas niya ang magkabilang eyeballs ng kaniyang mga mata. "Oo nga 'no? Magpapa-short hair na rin ako, para na rin magkapareho tayo."

"Hello mga girls, kaganda ba oy. Magpa-rebond ba kayo?" tanong ng isang magandang bakla. Siya yata ang may-ari nitong salon.

"Ako si sissy Marie niyo, haha. Alam niyo na, Marie, mapa-araw man o gumabi, wala pa ring puke."

Sabay kaming napangisi ni Regine matapos niya itong sabihin. "Magpapagupit po kami. Pareho po sana kaming magpapa-short hair. Sa tingin niyo, bagay naman sa'min?" malumanay kong tanong sa kaniya.

Iginala niya ang paningin sa mga pagmumukha namin. "Hmm, p'wede, since maliliit naman 'yang mga mukha niyo," sambit niya, sabay tango-tango.

At dahil pareho kaming matured mag-isip ni Regine, nag-jack-em-poy kami kung sino ang dapat maunang umupo sa upuan.

"Kung sinong matalo, siya ang unang magpapagupit," Regine instructed. Tumango ako.

Napatadyak ako nang matalo. Si Regine naman ay sumisigaw-sigaw na parang nanalo sa isang raffle. Buti na lang ay kami pa lang ang customer na nandito sa loob dahil baka ano pang masabi ng iba 'pag nagkataon.

Umupo ako at pinanood ang sarili kong ginugupitan, sa isang malaking salamin na kaharap ko. Si Regine naman ay nasa gilid ko lang, parang namamangha pa siya sa tuwing may buhok na nagugupit at kalauna'y nahuhulog, mula sa'kin.

Ilang minuto ang lumipas, nagulat na lang ako nang tumigil na sa paggupit si Marie. Hindi ako makapaniwala habang patuloy na pinagmamasdan ang sarili sa salamin.

Mas lalo akong gumanda, bumagay nga ito sa'kin.

"Grabesh, mas lalo ka talagang gumanda ba. Siguro kung kamukha kita, marami na talagang magkakandarapa sa'king boylalu," biro pa ni Marie.

Nilinisan niya pa ang likuran ko't binigyan ako ng suklay, bago ako pinatayo. Sinuklayan ko ang buhok ko habang si Regine naman ang sunod na umupo sa upuan.

Tiningnan ko na naman ang sarili ko sa salamin. Magugustuhan kaya 'to ni Earl? Pa'no kung ayaw niya pala sa short hair?

Patuloy ko lang na sinuklayan ang ngayo'y hanggang braso ko nang buhok. Ilang minuto lang din ang lumipas, natapos na rin ang paggupit kay Regine. Ibinigay ko sa kaniya ang suklay nang makatayo siya mula sa pagkaka-upo.

As We Created Our Own Sound (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum