CHAPTER EIGHTEEN

442 40 17
                                    

July 02, 2011Saturday, 3:44 PM

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

July 02, 2011
Saturday, 3:44 PM

Napahawak ako sa bewang nang matanaw ang buong cottage. Kakatapos lang naming palamutian ito. Hindi ako makapaniwalang kami ang nag-desinyo, dahil napakaganda ng kahihinatnan.

White and pink was the theme, napaka-pleasant nito sa mata.

Napatalikod kami nang marinig ang isang paparating na kotse. It was Russel's car. Nang makarating siya sa cottage, agad ko niya kaming nilapitan.

"Pare!" bati niya kay Miguel.

"Allodia, long time no see." Nagyakapan sila ni Allodia.

"Salamat sa inyong lahat," taos-puso niyang sambit sa'min. Iginala niya ang paningin sa buong cottage. "Ang ganda, ang gagaling niyo naman."

"You're welcome," tugon ni Allodia. Tumingin siya sa kaniyang relo. "Russel, kailangan ko na umuwi, gusto ko um-attend mamaya kaso may kamag-anak din kaming nag-birthday ngayon at kailangan naming dumalo."

"Russel, ako rin, may sakit si Nanay kaya kailangan kong bantayan ang tindahan. Pasensiya na talaga," ani Kylie.

"Par, hindi na rin ako magtatagal dito. Nasabi ko na sa'yo ang rason ko kanina," bulalas naman ni Miguel.

"Sorry rin, Russel, anniversary ng parents ko ngayon at napag-planuhan nina Mama at Papa na magkasama kaming kumain sa isang karinderya mamaya," sambit ng babaeng kasamahan nila.

"Sige-sige lang, " tugon ni Russel sa mga katwiran nila. Nginitian niya ang mga ito. "Maiintindihan naman na yata ni Regine ang mga makatwiran niyong dahilan. Tsaka matutuwa 'yon pag nalaman niyang tumulong kayong mag-design dito."

Seryosong nakatingin lang kami ni Earl nang magtawanan sila, lumingon ako sa kaniya kaya nailipat niya ang kaniyang paningin sa'kin. Tinaasan niya ako ng kilay kaya inirapan ko siya

Nagulat ako nang bigla na lang niya akong marahan na inakbayan. Agad kong kinuha ang kamay niya mula sa balikat ko at binigyan siya ng masamang tingin.

Binalik ko ang paningin kina Russel.

"Kakausapin ko na muna 'tong dalawa, pagkatapos ihahatid ko na kayo. Gusto niyo bang sumakay na sa kotse?" bulalas ni Russel. Tumango sila't nagpaalam sa'min ni Earl bago nag-umpisang humakbang patungo sa kotse.

Nilapitan kami ni Russel. "Kumain na kayo?" tanong niya. Tumango ako.

Sabay kaming humakbang papunta sa mesa. "'Yong mga upuan, darating 'yon maya-maya," patuloy niya.

"Sinabihan mo na ba sina Aling Marife at Manong Tata?" I asked. Biglang may nahulog na balloon, agad itong kinuha ni Earl at kumuha ng pandikit para maibalik sa kung saan man ito nakapuwesto.

"Nasabihan ko na, darating din 'yon maya-maya kasama ang mga kapatid niya. Nakapagdala na kayo ni Earl ng susuotin niyo 'di ba? P'wede niyo nang suotin 'yon ngayon."

As We Created Our Own Sound (Completed)Where stories live. Discover now