CHAPTER THIRTY-NINE

449 25 6
                                    

⚠️ TRIGGER WARNING: Suicidal Thoughts, Suicide Attempt, Suicide ⚠️

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

⚠️ TRIGGER WARNING:
Suicidal Thoughts, Suicide Attempt, Suicide ⚠️

August 31, 2015
Monday, 8:23 AM

Wala sa sarili akong napatayo.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking nanghihinang mga paa. Dahan-dahan akong humahakbang habang patuloy na iniinda ng aking buong katawan ang kakaibang bigat--bigat na ngayon ko pa lang naramdaman.

Lahat sila, iniwan na ako. Kasalanan ko lahat. Nagkulang ako. Wala akong silbi bilang isang apo, anak, at kaibigan. Lahat ng ginawa ko na akala ko'y may kabuhulan, lahat 'yon ay wala naman palang saysay. Puro ako pangako, na puro ko rin hindi tinutupad o natutupad.

Ano pang saysay ng bawat pagmulat ko sa aking mga mata, kung hindi ko na sila mahahaligap pa?

Ano pang saysay ng pagngiti, kung hindi na sila ang aking kaharap? Ano pang saysay ng bawat pagtawa, kung hindi na nila maririnig? Ano pang saysay ng bawat paghinga, kung hindi na sila ang kaagaw kong lumanghap sa mapayapa't preskong hangin?

Ano pang saysay ng bawat pagbangon, kung ang mga taong naging rason sa ginaganahan kong pagtayo'y tuluyan nang nakahiga habang-buhay?

Ano pang saysay ng bawat tanaw sa bawat dako ng mundo, kung ang mga mata ko'y lalabo pa rin at lalabo, dahil alam kong kahit saan pa man ako pumunta, unti-unti itong tatakpan ng aking mga luha?

Paano pa ako magkakaroon ng rason na mabuhay, kung lahat sila'y wala na?

Lunod na lunod na ang mukha ko sa sarili kong mga luha. Punong-puno na ng malagkit na tubig ang mainit kong ilong. Sarang-sara na ang bibig ko't tuyong-tuyo na ang bituka, dahil sa paghagulhol. Singkad na singkad na ang utak ko dahil sa iba't-ibang pangyayaring pumapasok sa sumasakit kong ulo.

Natagpuan kong nasa loob na ako ng kusina.
Kusang may hinahanap ang aking mga mata.

Hanggang sa isang iglap, naramdaman ko na lang na may hawak-hawak na akong isang matulis na kutsilyo. Embes na bitawan, mas lalo pang humigpit ang pagkapit ko rito.

Lahat sila, nilisan na ako.

Kung ang pagkitil ng sarili kong buhay ang tanging paraan para makasama sila, handa na akong lumisan na rin sa mundong 'to.

Ipinuwesto ng kamay ko ang matulis na bahagi ng kutsilyo, sa harap ng aking tiyan. Dahan-dahan ko pa itong mas inilapit hanggang sa maramdamang tuluyan na itong dumikit sa pusod ko.

Pinikit ko ang mga mata ko at plinanong mabilis na itarak ang hawak na kutsilyo.

Nang aksiyong isa-saksak ko na, biglang nakarinig ang pareho kong mga taynga ng malakas na dabog, na siyang ikinagulat ko't nagpabitaw sa'kin sa paghawak ng kutsilyo.

"V-Vhea?!" malakas na sigaw ng isang babae, na nagpabalik sa diwa ko.

Napaluhod ako at hinayaang bumuhos ulit ang mga luha sa'king pisngi.

As We Created Our Own Sound (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon