CHAPTER TWENTY-ONE

444 41 24
                                    

July 09, 2011Saturday, 9:10 AM

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

July 09, 2011
Saturday, 9:10 AM

"Ingat ka sa daan, apo," paalala ni Nanny sa'kin. Gusto ko sanang sumakay sa bisikleta pero hindi pa rin ako sigurado kung kaya ko na bang paandarin ito nang hindi natutumba.

"Sige-sige po, alis na ako, Nanny," bulalas ko. Napagpasyahan kong maglakad na lang papunta kila Earl dahil hindi naman masiyadong mainit.

Sa gitna ng paglalakad, napatigil ako nang masilayan ang mga nakalatag na papel sa kalsada. Pinupulot ito ng isang medyo may katandaang lalaki. Napa-upo ako't tinulungan siyang pulutin ang mga papel.

Hindi ko maiwasang basahin ito at napag-alamang tungkol pala ito sa graduation ng lalaking kasalukuyan ding pumupulot. Hindi ko akalaing sa matandang aura nito'y kakatapos niya lang palang mag-aral sa college.

Nang igala ang paningin at wala nang makitang papel na nakalatag, tumingin ako sa lalaki. Saktong napatingin din siya sa'kin at binigyan ako ng ngiti. Nginitian ko rin siya't lumapit sa kitatatayuan niya.

"Ito po," sambit ko. Ibinigay ko sa kaniya ang mga napulot na papel. "Congrats po pala, graduate na po pala kayo."

"Naku, salamat, ano bang pangalan mo, hija?" tanong niya sa'kin. Inabot niya ang kaniyang kanang kamay sa'kin habang nakahawak sa kaliwang kamay ang mga papel.

"Ako nga pala si Hesus, hija."

Tinanggap ko ang kamay niya. "Vhea, po."

Iginala niya ang paningin at ngumiti nang makita ang isang tindahang nagtitinda ng haluhalo sa gilid namin. "Maraming salamat, Vhea. Gusto mo bang mag-haluhalo? Treat ko na sa pagtulong mo. Tsaka, nagke-crave rin ako ng haluhalo ngayon. Tara."

Gusto ko sana siyang tanggihan dahil excited na akong makita si Earl, pero nag-umpisa siyang maglakad papalapit sa tindahan kaya't sumunod na ako sa kaniya.

Nang maka-upo sa isa sa mga upuan, agad na nagpaalam muna si Manong Hesus para maka-order ng makakain. Ilang minuto rin ang lumipas ay nakabalik na siya.

"Hintayin lang daw natin ng ilang mga minuto, Vhea, um-order na rin kasi ako ng burger, and we know that it needs to be cooked." Mahina pa siyang humagukhik matapos magsalita kaya napangisi na rin ako.

"Bakit nga po pala natapon sa kalsada ang mga papel?" tanong ko.

"Nakalagay 'yong mga 'yon sa bag na akay ng likod ko, dahil siguro sa medyo may katandaan na, nakalimutan kong isarado 'yong zipper ng bag."

"Ilang taon na po ba kayo, Manong Hesus? Tsaka ang banal po ng pangalan niyo, siguro 'pag ako nagkaroon ng pangalan na ganiyan, for sure matatakot talaga akong magkamali."

Mahina siyang tumawa. "Thirty-four na ako, Vhea. Tsaka, kung pagkakamali lang ang pag-uusapan, napakarami kong pagkakamaling desisyon at ginawa sa buhay."

Nagulat ako nang malaman ang totoong edad niya, mas matanda pa pala sa inaasahan ko, I taught he's thrity years old.

"Alam mo bang nakulong ako ng sampung taon?" patuloy niya. Mas lalo akong nagulat.

As We Created Our Own Sound (Completed)Where stories live. Discover now