CHAPTER TEN

581 39 8
                                    

June 25, 2011Saturday, 9:11 AM

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

June 25, 2011
Saturday, 9:11 AM

"Grabe ka naman maka-lotion, Vhea. Ano bang klaseng lotion 'yan? Pahingi."

Pagkatapos mapahiran ang buong katawan, ibinigay ko sa kaniya ang lotion. "Sunblock lotion 'yan, medyo mainit ngayon, kailangan natin 'yan para hindi masunog ang mga balat natin."

Napagpasyahan naming maligo sa dagat. Earl and Russel are coming also.

"Pwede ba 'to sa mukha?" tanong niya. Kasalukuyan niyang pinipiga ang plastic na boteng lalagyan ng lotion.

"Hindi, body lotion 'yan, may sunscreen ako rito, 'yon ang para sa mukha, sabihin mo kung nakatapos ka nang mag-apply niyan para mabigyan na rin kita."

"Sige, pero grabe, ang sosyal pala 'no. First time ko 'to," sambit niya. After getting a fair bit of lotion, she handed it to me.

She just said, "first time". Good, medyo natututo na siya mag-english.

I gave her the small sachet of sunscreen after she had applied the lotion to her body. Kagaya sa lotion, ibinigay niya ang sachet ng sunscreen, matapos makakuha ng tamang dami.

Inamoy niya ang sunscreen."Ganito ba talaga 'to? Mabaho?" seryoso niyang tanong. Pinahid niya rin ito sa kaniyang mukha kalaunan.

Nababahuan din ako no'ng una ko ring apply sa sunscreen na gamit ko ngayon. Kalaunan naman ay nasanay rin dahil ito na ang ginagamit ko sa tuwing kailangan kong maglagay ng sunscreen sa mukha. Naging hiyang ito sa mukha ko.

Gusto kong magpaalam kay Nanny ngunit hindi ko na naman siya mahanap sa buong bahay. Mukhang madalas ang pamamalagi niya sa palayan.

Habang dala-dala ang basket, hinintay ko si Regine na ngayon ay nasa banyo. . . Nagbibihis.

Pinahiram ko siya ng isa sa mga shorts ko. Maliligo ba naman kami ng dagat tapos magpa-pajama?

Agad siyang tumakbo papalapit sa'kin nang makalabas sa banyo. Sumakto sa kaniya ang short. Nginitian ko siya nang tuluyang makalapit sa'kin.

"Vhea, gusto mo ako na magdala niyan?" Tinuro niya ang basket na dala-dala ko. Naglalaman ito ng chicherya't tinapay.

Umiling ko. "Hindi na, magaan lang naman 'to."

Hindi ko mapigilang magtanong nang makalabas sa bahay. "Sa tingin mo nando'n na sila Russel?"

"Oo, nando'n na 'yon, baka nga kanina pa. Pag usapang gala, hindi 'yan nahuhuli si Russel," masagana niyang sambit. Kinamot niya ang kaniyang ulo. "Ewan ko nga lang kay Earl. Imposible 'yong sumipot kasi mukhang takot 'yong umitim. Ilang buwan na ring hindi ko nalalamang naligo 'yon ng dagat."

Tumango-tango ako. Huminto kami sa paglalakad dahil kailangan naming tumawid sa kalsada. Hinawakan ko ang braso niya at sinabayan siyang humakbang nang maiging mapansing wala nang sasakyan na paparating.

As We Created Our Own Sound (Completed)Where stories live. Discover now