CHAPTER TWENTY-THREE

418 38 27
                                    

July 14, 2011Thursday, 4:03 PM

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

July 14, 2011
Thursday, 4:03 PM

"Regine, pa'no nga pala kayo naging magkaibigan nina Earl at Russel?" biglaan kong tanong kay Regine. Magkahawak-kamay kaming naglalakad patungo sa open field kung saan nagsasanay si Earl ng archery.

"Kasi pareho kaming mga talunan sa mata at pandinig ng mga tao rito noon." Napatawa siya matapos magsalita.

"Anong ibig mong sabihin?" giit ko.

"Alam mo na, bobo ako. Si Earl, hindi nakakarinig. Tsaka si Russel, lampa 'yon noon." I was taken aback by what she just said.

"Naging lampa si Russel no'n? Akala ko sikat na siya noon pa?"

Umiling siya. "Lampa 'yon, noon. Hanggang sa yumaman ang pamilya nila, doon na siya nakakasuot ng mga magagarang damit. Nagkakaroon na ng mga gamit na sikat. Tapos do'n na parang nagkatiwala siya sa sarili niya. Sumali siya sa basketball, tapos 'yon, sumikat. Nakakatuwa nga kasi kahit pa man na sumikat na siya, hindi naman nagbago ang pakikitungo niya sa'min ni Earl."

Tumango-tango ako. "'Yong mga magulang ba ni Earl, mababait? Mayaman din ba sila noon?" karagdagang tanong ko.

"Hindi naman sa 'yong sobrang yaman kagaya nina Russel, pero may kaya rin sila. Taga-ibang bansa kasi ang ama niya. Sobrang bait ng mga magulang niya, lalo na si Tita Melody, ina ni Earl. 'Pag pumupunta kami ni Russel sa bahay nila, para kaming mga anak no'n."

Pansin ko sa boses niya ang pagkalungkot. "Sa totoo lang, napakamasayahin ni Earl no'ng buhay pa si Tita Melody. Tuluyan lang talaga siyang nagbago dahil sa aksidenteng 'yon, aksidenteng naging rason kaya nawala si Tita Melody."

"Ikaw, Vhea, saan ba ang nanay mo ngayon? May kapatid ka rin bang mga bata?" tanong niya.

"Apat na taon nang na-comatose si Mama dahil isang aksidente, kasalukuyan siyang nakahandusay at natutulog sa isa sa mga pinakamagaling na hospital sa Canada." Napabuntong-hinga ako. "May kapatid akong babae, anim na taon siyang mas matanda sa'kin."

"Na-aksidente rin ang mama mo? Kailan?" biglaang tanong niya. Naitaas ko ang kilay ko.

"Year two thousand and seven," sagot ko.

"Ahh, parehong taon kung kailan nadisgrasya ang sinasakyang kotse nina Earl. February 'yon, e."

Just weird. February rin na-aksidente si Mama sa sinasakyan niya ring kotse.

"Vhea, may itatapat sana ako sa'yo," she changed the topic, "nanliligaw si Russel sa'kin."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo?!" sigaw na tanong ko sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya. "Totoo ngang nanliligaw si Russel sa'kin. Tinanong niya ako no'ng nakaraang sabado, pumayag naman akong magpaligaw sa kaniya. Noong nakaraang linggo ko pa gustong sabihin sa'yo pero nahihiya talaga ako."

As We Created Our Own Sound (Completed)Where stories live. Discover now