Chapter 4

27.1K 774 45
                                    

"JOEY!" Napapitlag si Joey nang pitikin ni Arthur ang noo niya. Naiinis na hinagis niya dito ang fountain pen na mabilis naman nitong naiwasan.

"Are you okay? Kanina pa ako nagsasalita dito."

Huminga siya nang malalim at pinaglaruan ang mga pahina ng report na ibinigay sa kanya ni Arthur. Nasa opisina siya nito para pag-usapan ang next assignment niya para sa agency nito.

It's been a year since she was forced to take a leave from UP at hanggang sa mga oras na iyon ay hindi parin siya pinapatawag ng Superior nila.

She's starting to get worried. Hindi dahil sa baka hindi na siya pabalikin sa UP because she knows that it won't happen. Natatakot siya dahil unti-unti na niyang na-e-enjoy ang buhay niya sa Pilipinas.

She's starting to feel again. Tuluyan nang nawasak ng mga tao sa paligid niya ang bakod na itinayo niya. Nagawa nang makapasok ng mga ito sa puso niya.

And she have to go back to US. ASAP. Dahil kapag mas lalo pa siyang nagtagal sa Pilipinas, alam niyang mahihirapan na ulit siyang umalis. It will be hard for her to leave her new found friends.

Si Aya, si Almira, si Kate, Arthur's friends and of course si Luis na laging nagpapainit ng ulo niya.

Isa pa'y ayaw niyang madamay ang mga ito sa gulo ng buhay niya. Darating ang araw na sisimulan na niya ang sariling laban, at alam niyang hindi magiging madali iyon.

"Okay, I get it. Is it about Luis?" agad na umangat ang ulo niya.

"Huh? Saan mo naman galing 'yan?" nagtatakang tanong niya.

"Ilang araw ka nang wala sa sarili mo, Salazar. And it started since the day Luis left your house. Now tell me, what really happened? Bakit bigla na lang umuwi si Luis without my go signal?" Seryosong tanong ni Arthur. Ang mga mata nito ay nakatutok sa kanya.

She raised her brow. "Bakit hindi siya ang tinanong mo?"

Ngumiti nang nakakaloko si Arthur. "Whoa. Both of you gave me the same answer."

"So?"

"May namamagitan ba sa inyo ni Luis?" Deretsong tanong ni Arthur.

"Tangina! Saan galing yan, huh? At kailan kapa naging chismoso?" Kinuha na niya ang folder na naglalaman ng misyon niya, pagkatapos ay tumayo at umalis na.

"I received an e-mail from Aaliyah." Napahinto siya sa pagpihit ng pintuan.

Ramdam ni Joey ang paglakas ng kabog ng dibdib niya. Unti-unti siyang humarap kay Arthur.

"Hindi pa daw nali-lift ang suspension mo." And with that, nakahinga siya nang maluwag. Nakita pa niya ang pagkunot ng noo ni Arthur sa reaksyon niya.

Bago pa ito makapagtanong, pinihit na niya ang pintuan at mabilis na lumabas.

Dahil kahit siya, nagtataka kung bakit ganoon ang reaksyon niya. Dapat ay malungkot siya. Dapat ay dissapointed siya. But it's the other way around. Bakit tila masaya siya?

BACK to normal ang buhay ni Luis. Pagkaalis na pagkaalis niya sa bahay ni Abigail, dumeretso siya sa Condo niya na naayos na ng mga tauhan ni Arthur.

Pagkatapos ay dumeretso siya sa MLS, ang kumpanyang minana niya sa mga magulang. Matapos niyang kausapin ang mga ilang tao, at magbilin kay Grace, sunod naman niyang pinuntahan ang sariling Law Firm.

Kinausap niya ang mga ilang kliyente, pumirma ng mga ilang papeles pagkatapos ay nagpunta na sa bahay ampunan.

He wasn't able to make it to Tan-Sy. Ang kumpanya na pag-aari ng grandparents niya sa Daddy niya. Nasisiguro niyang masesermunan na naman siya ng Lola niya.

His Bodyguard (Slow Update)Where stories live. Discover now